LYKA Nagising ako dahil may naamoy akong maanghang. At unang bumungad sa akin ang nag-aalala na mukha ni madam. Napatingin naman ako sa katabi ko. Tulog na tulog pa rin ang anak ko. “Anak, kumusta ang pakiramdam mo?” tanong niya sa akin. “Okay lang po ako. Nahilo lang po ako kanina.” sagot ko sa kanya. “Anak, ‘wag kang masyadong magpapagod. Hindi mo kailangan na solohin ang lahat. Nandito kami, tutulungan ka namin.” mahinahon na sabi niya sa akin. “Alam ko po, pero okay lang po ako. Kulang lang po siguro ang tulog ko.” nakangiti na sabi ko sa kanya. “Okay, pahinga kana muna.” sabi niya sa akin. “Salamat p–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil napatingin ako sa pintuan. Si Brixon at may dala siyang isang basong gatas. “Labas na ako, anak.” paalam sa akin ni madam. “Salamat po

