THIRD PERSON POV Kahit na pagod sa byahe ay hindi ito ininda ni Angelo. Dahil excited na siya. Excited siya na makita ang girlfriend niya. Almost three months niya itong hindi nakita dahil marami siyang inaasikaso sa company ng daddy niya. Galing pa siya sa Singapore. May business trip siya doon. Kaya naman nang sabihin sa kanya ng kasintahan niya na uuwi na ito sa Pilipinas ay tinapos na niya agad ang trabaho niya. Isang linggo sana siya sa Singapore pero nagawa niya sa loob ng three days ang trabaho niya. Nalaman rin niya na nagtatrabaho na ito sa Griffins Diner. Masaya siya dahil alam niya kung gaano ito kasipag at ka-dedicated sa trabaho niya. Pinuntahan rin niya ito sa restaurant at hinintay niya ito na matapos sa trabaho. Habang nakaupo siya ay nakita niya ang matalim na tingin

