LYKA “B–Brixo—” Hindi ko na nagawang dugtungan ang sasabihin ko dahil tuluyan ng naglapat ang mga labi naming dalawa. ‘Yong t***k ng puso ko ay parang hinahabol dahil sa sobrang bilis ng t*bok niya. Na para bang anytime ay lalabas na siya sa dibdib ko. Hindi naman nagtagal ang halik niya. Mabilis siyang lumabas sa silid ko at ako na lang ang naiwan dito. Wala sa sarili na napahawak na lang ako sa labi ko. Masaya ako dahil sa halik niya pero may lungkot rin akong nararamdaman dahil baka iyon na ang huling halik namin. Sana pala ay tumgon na ako. Pero wala na eh, tapos na kaya wala na akong magagawa. Ilang minuto na ang dumaan pero hindi pa rin siya bumabalik. Kaya naman pumikit na ako para matulog dahil inaantok na talaga ako. **** Kinabukasan ay nagising ako na may katabi na at bum

