LYKA “I miss you, langga.” Nakangiti na sabi niya sa akin. “I miss you too, l-langga.” Napangiti ako dahil parang ang lambing ng endearment niya sa akin kaya naman ginaya ko na rin. Lumalim ang halikan namin pero huminto rin kaming dalawa dahil parang hindi na ako makahinga. Kumuha lang kami ng hangin at muling naglapat ang mga labi namin. Hanggang sa ihiniga na niya ako. Nagkatitigan kami at kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya. “Matulog na tayo, langga.” malambing na sabi sa akin ni Brixon. “Hindi na ako inaantok.” sagot ko sa kanya. “Bakit?” “Hindi ko alam,” sagot ko sa kanya. “May gusto ka bang gawin?” tanong niya sa akin habang nakatingin pa rin ng diretso sa mga mata ko. “Wala rin,” mabilis na sagot ko sa kanya. “Matulog na tayo dahil inaantok pa ako. May trabaho pa ako

