LYKA “Nakatayo ako ngayon sa labas ng Griffins Diner. At masasabi ko na wala pa ring pagbabago. They maintained the whole restaurant. I mean hindi ito ang branch na pinag-trabahuan ko dati. Pero alam ko noong umalis kami ay ginagawa na ito. Nagpapalit lang sila ng pintura pero ang disenyo ay ganun pa rin same lang rin sa kabilang branch. Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob. Hindi naman ako kinakabahan. Gusto ko lang na maging confident ako. “Good morning, Ma’am.” nakangiti na bati sa akin ng isang staff. “Good morning rin sa ‘yo. Gusto ko sana na mag-apply as a Chef.” nakangiti na sabi ko sa kanya. “May dala po ba kayo na resume, Ma’am?” magalang na tanong niya sa akin. “Mayroon,” nakangiti na sagot ko sa kanya. Binigay ko sa kanya ang resume ko at ang sabi niya sa akin

