LYKA “Mommy!” Nakangiti na mukha ng anak ko ang bumungad sa akin. Hindi siya nag-iisa dahil hawak niya ang kamay ni Brixon. Nalaman ko na siya si Brixon dahil sa suot niyang uniform. Halos walang nagbago sa kanya. Naging matured lang siya pero ganun pa rin ang tindig niya. “Mommy, si daddy-tito po ang naghatid sa akin dahil may kailangan pong gawin si daddy.” sabi sa akin ng anak ko. “Behave ka ba doon?” “Of course po, mommy. Mabait po silang lahat sa akin kaya behave po ako.” sagot naman sa akin ng anak ko. Nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya. “It’s good to hear that, baby.” “Salamat sa paghatid sa kanya.” pasasalamat ko kay Brixon. Nakatingin lang siya sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin at pinaupo ko muna ang anak ko. Ayaw ko naman iwan itong ginagawa ko kaya naman ti

