LYKA Kanina pa tahimik si Brixon. Na para bang ayaw niya akong kausapin. Nahihiya rin akong magsalita dahil baka ayaw niya sa akin. Nakasimangot siyang nakaupo sa may couch habang ako ay nakaupo at nanonood ng palabas sa tv. Ang awkward bito para sa aming dalawa. Pakiramdam ko ay mapapanis na ang laway ko. “B–Brixon,” tawag ko sa kanya. Dahil nabibingi na talaga ako sa katahimikan naming dalawa. “May kailangan ka ba?” tanong niya sa akin. “Okay kana ba? Wala ka bang nararamdaman? Wala na bang masakit sa ‘yo?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. “Okay naman ako.” “Galit ka ba sa akin?” “You lied to me. Wala ka bang balak na ipakilala sa akin ang mga anak ko? Pinalabas mo pa na patay na sila.” “I’m sorry,” sabi ko sa kanya. “Sana puwedeng ayusin ng sorry mo ang lahat.” Hindi na lan

