LYKA “Stop the wedding!” “Langga,” mahina na sambit ko. “Blaze?” Tanong ni Angelo pero tinaasan lang siya ng kilay ni Brixon. Kung tatanungin niyo ako kung paano ko nasabi na siya Brixon. Dahil alam na ng puso ko na siya ang lalaking mahal ko. Kung noon hindi ko napapansin ang pagkakaiba nila ni Blaze ay ngayon malinaw na sa akin. Sa araw-araw na pag-aalaga ko sa kanya habang na comatose siya ay nakabisado ko na ang lahat ng parte ng mukha niya. “Akala ko ba mahal mo ako? Hindi mo man lang hinintay na magising ako.” Tanong ni Brixon. “Brixon?” gulat na gulat na bulalas ni Angelo. “How are you my friend? Sa tingin mo talaga hahayaan ko na lang na pakasalan mo ang asawa ko. Sorry pero ang akin ay akin lang.” sabi ni Brixon ay humakbang siya papunta sa amin. Lalapit sana ako sa kanya

