Agad na nilapitan ko si Althea saka hinila ito papunta sa maraming tao. Nagulat ito ng makita ako. "Kojima?" Sabi niya ng makita ako. "Mamaya na tayo magusap kailangan nating makalayo dito agad." Sabi ko sa kanya. Sa likod kami dumaan. Pero may nakaabang din doon. Agad na inabutan ako ng baril ng isang tauhan ko. Inanlock ko ito. " Sino ba ang mga yun? " Tanong niya sa akin. "Hindi ko pa alam pa sa ngayon Pero may kutob ako kung sino sila." Sagot ko sa kanya. "Bakit nila ako sinusundan ?" Tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot. Dahil agad na pinaputukan kami ng mga kalaban. Napatili siya. Mabilis na binaril ko ang isa sa kanila. Tumba ito. Tumakbo kami sa isang poste. Pinapuputukan nila kami habang tumatakbo kami. Ng makahanap kami ng pagtataguan Gumanti kami ng putok sa kanila. T

