"Sa bahay tayo." Sabi ko kay Kayashi. Kanina ko pa siya pinagmamasdan. Hindi parin siya nagkakamalay. kumatok si Kayashi sa akin. " Boss nasa airport na daw po sila Taiko." Sabi ni Kayashi sa akin. Tumango ako. "Sa tingin ko hindi ikaw ang puntirya nila ngayon. Mukhang si miss Althea na. Pero bakit nila gustong makuha si miss Althea? " Tanong ni Kayashi sa akin. " Actually kanina ko pa iniisip yun. " Sabi ko sa kanya. "Hindi kaya Boss nalaman na nila ang totoong pagkatao ni miss Althea? " Tanong uli nito sa akin. Napatingin ako sa kanya. Saka napaisip ako. " Hindi ko alam. Sa ngayon kailangan nating magingat at maging handa. Kumikilos na sila. Kung alam na nga nila ang totoong pagkatao ni Althea siguradong kikilos uli sila hindi sila papayag na hindi makuha sa akin si Althea."

