Hawak hawak ni Caeden ang kamay niya habang nagda-drive ito patungo kung saan niya napagdesisyunan pumunta. Siya kasi ang tinanong nito kung anong gusto niya, dahil bigla siyang may naisip ay iyon na ang sinuggest niya. Papunta sila sa Rizal para tumungo doon sa ilog na maganda. Doon na rin sila magpapalipas ng gabi dahil gusto niya nga sulitin. Tutal, ngayon lang naman sila nag date ng binata. Iyong opisyal na date talaga. "Bitawan mo na ang kamay ko, baka nangangawit ka na," ani niya at binawi iyon. "I'm okay-" "Nagda-drive ka, Caeden." May tono sa boses niya na sinusuway ito. Paano ba naman, masiyadong nagiging clingy ito. Gusto niya naman iyon pero mas mabuti pa ring safe ang pagda-drive nito. "Ayaw mo ba hawak ang kamay ko?" Natawa siya dahil purong tagalog ang pagkasabi nito

