Nagising siya at laking gulat na lang niya na tinanghali na siya bumangon. Napahawak siya sa noo nang mapagtanto na nasa bahay pa rin siya ni Khai. Agad siyang kumilos para magpalit ng damit dahil kailangan niya na umuwi. Hinanap niya ang phone niya at nakita niyang full charge na 'yon. Ang problema ay naka turn off ang cellphone niya kaya naman ay hindi niya alam kung tinawagan ba siya ng binata. "Khai?" tawag niya rito nang marinig itong nagluluto sa kusina. "Oh, you awake! How's your sleep? Napasarap ba?" he chuckled. Bigla siyang nahiya dahil ang tagal talaga ng tulog niya. "Uh... Yes... Sorry tinanghali ako ng gising. Kailangan ko na pala umuwi, pasensya ka na." Ani niya at napasuklay sa buhok niya. Kailangan niya na umuwi dahil baka pagalitan siya ng binata. "Huh? Let's eat

