Under The Moonlight Kabanata 61 Marciano's Point Of View. I was so fascinated by the interior designs of their house. It is really looked different from ours. Sumisigaw ang karangyaan. Ang kintab sa bawat muwebles ay tila mga diyamante na. Alam ko na mamahalin ang mga ito kaya kailangan kong mag-ingat. Hindi rin ako mapakali sa kinauupuan ko. Para akong napako rito at tanging ang gumagalaw lang sa akin ay ang mga mata ko at ang dibdib dahil sa lakas ng t***k ng aking puso. Kanina nga'y kamuntikan pa akong madapa habang naglalakad kaming dalawa. Deretso lang kasi ang tingin ko't hindi ko napansin na mayroon pa lang hagdanan sa labas. Mabuti na lang din ay nasalo ako ni Evanston at walang taong naroroon kundi kaming dalawa lang. Siguradong nakakahiyang tagpo iyon kapag may nakakita sa

