Under The Moonlight Kabanata 69 Third-Person Point Of View Kinabukasan ay agad na dumating ang mga kagamitang binili nila sa bayan. Sa tulong ng mga trabahador ay sinimulan nila ang kani-kanilang trabaho. Hinati-hati nila ang mga ito sa bawat grupo nang sa ganoon ay marami silang magagawa. Mayroon sa parte ng hot spring para maglinis, ang iba'y sa pagpapaganda ng daan, at ang iba pa sa iba't ibang parte ng Hacienda. Tumulong din sina Marciano at ang mga kasama niya sa paglilinis. Si Sherry ay kasama nito ang mga kasambahay sa paghahanda ng meryenda at kakainin nilang lahat. Si Marciano ay ang mga iilang kalalakihan sa hot spring, si Evanston ay sa daan, at si Chris naman ay kasama nito si Tonio at ilang mga trabahador sa pag-aayos sa iba pang lugar. Abala ang lahat. Tila ba masaya ri

