Under The Moonlight Kabanata 24 Marciano's Point Of View. "Nasaan si Bianca?" tanong ko kay Evanston na siyang nagmamaneho ngayon sa kotseng sinakyan namin kanina. Magkasabay sila ni Papa pumunta rito at sumunod lang kami ni Bianca pero ngayon na pauwi na kami ay siya na ang kasabay ko. It's because of what happened earlier. Kung hindi lang ako hinila ng lalaking 'to ay baka si Bianca pa rin ang kasabay ko pag-uwi. "She's with Anya. Mamamasyal daw muna sila dahil matagal na silang hindi nagsasama. Hindi ba niya nasabi sa 'yo?" he answered. Nakatuon lang din ang pansin nito sa kaniyang harapan at pansin ko na mabagal lang siyang nagmamaneho. "Hindi ko itatanong sa 'yo 'yon kung alam ko," sagot ko naman. I looked outside of the window, hapon na a

