Under The Moonlight Kabanata 58 Marciano's Point Of View. Pitong araw nang nakahiga si Mama sa isang puting kabaon. Pitong araw na rin na hindi ko siya nakikitang nakangiti kundi ang malamig na lang niyang bangkay. Pitong araw na nagluluksa. At, pitong araw na tila ba may paulit-ulit na tumutusok sa aking puso. Ang sakit na makita siyang nakahiga sa iaang kabaong at wala ng buhay. Hindi ko matanggap ngunit ano ba'ng magagawa ko? Kinuha na siya sa amin. Kung maaari lang na humiling, sana'y kahit sa huling pagkakataon man lang ay nakausap ko siya. I wanna thank her for her sacrifices. Kung hindi dahil sa kaniya noon, baka tuluyan na akong nabaliw at tuluyang naligaw sa kawalan. She was always there to tell me that everything will be fine. Hindi niya ako iniwan but fate played us. Iyong

