- HEILEY - Nakauwi na ako sa bahay at hihiga na sana nang may kumatok. "Lola Anita, matutulog na po ako." Mahinahon kong sagot sa katok niya. Pero muli akong nakarinig ng katok. "Lolo Jaime, matutulog na nga po ako eh." Ang kulit naman ng dalawang matanda na ito. Pagod ako at gusto ko na talagang magpahinga pero pinilit ko na lang din tumayo at baka may importante silang sasabihin. Hindi ko na kasi nagawa pang magkuwento kanina sa nangyari nang kamustahin nila ako dahil wala akong maisagot. Alangan namang ikuwento ko from the beginning that it started so fine and so sweet but it ended disaster. Thanks to Rose genius mind. Nagkanda-leche-leche ang event na iyon para sa amin ni Hyden. I know that she really planned that bullshit idea! Masasakal talaga kita Rose kapag nakita kita! "Sa

