- HEILEY - Maganda na ang panahon ngayon. Hindi katulad kahapon na sobrang lakas ng ulan na akala mo ay katapusan na ng mundo. Biglang lumihis ang landas ng bagyong Shartin sa lugar namin kaya naman may pasok pa rin kami. I'm preparing my things for school nang tinawag ako ni Lola Anita. Si Hyden daw, naghihintay sa labas. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng main door namin. He's so handsome wearing the school uniform. Medyo basa pa ang buhok niya at napaka-refreshing ng scent niya. "Naiwanan mo sa sofa namin kagabi." Bumilis ang t***k ng puso ko nang iabot niya sa akin ang cellphone ko. Wala pa namang password ang cellphone ko! Parang gusto kong batukan ang sarili ko nang maalala ko na sinuksok ko nga pala iyon sa upuan nila dahil ayokong mabasa ni Hyden ang mga mensahe ng estrangher

