- HEILEY - Tita Alexa was so busy preparing food for us. Umuwi muna ako sa bahay bago pumunta kanila Hyden. Nagpaalam na rin ako kanila lolo at lola na dito makikikain ng dinner. Pumayag naman sila kaya naman excited akong nagpalit ng damit at dali-daling tumakbo papunta sa bahay nila. Pagdating ko nga ay nakapagpalit na ng damit sila Shaun at Austin. Suot nila ang pinahiram ni Hyden na damit. Masaya kaming nagsimula kumain. Pagkatapos kumain ay nag-decide kaming manood ng movie. Pinaghanda muna kami ng popcorn ni Tita Alexa bago sila pumunta ng kuwarto ni Tito Kobi kaya kaming mga bagets na lang ang natira sa living room. "Ano gusto niyo panoorin?" Tanong ni Hyden habang busy na nagkakalkal ng mga dvd tapes. "Ano ba available diyan? Gusto ko ang mga action movies eh," sabi ni Austin.

