- HEILEY -
"BABALIK KA RIN SA AKIN."
Patama ba iyon? Para kanino? Para sa akin? Kinalimutan ko na iyong ginawa ni Red sa akin. Ayoko ng alalahanin pa iyon. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, aasa pa siyang babalikan ko siya? Baka gusto niyang maingudngod sa putikan? Wala na ako pakialam kung lumipat siya sa school namin at wala rin ako pakialam kung ano man ang dahilan ng paglipat niya. Mayabang siya eh. Akala mo kung sinong makapanglait. Feeling guwapo eh mas guwapo pa si Hyden sa kaniya eh.
Ugh! Naiinis na nga ako kay Hyden, pinupuri ko pa? Hay naku.
Nag-scroll down pa ako. Natigilan ako sa post ni Trizha Mae Dreiling, isa sa mga f*******: friend ko.
"NO LIES. JUST LOVE."
Tinamaan ako. Sapul sa puso. Aminado ako na GUILTY ako. Nagsinungaling ako sa parents ko. Gumawa pa ako ng eksena kesyo may boyfriend na ako. Totoo naman na may boyfriend ako─dati iyon kaya kinuwento ko sa kanila ang tungkol sa bagay na iyon. Iyon ang panahon na boyfriend ko pa si Red. Pero sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nakipaghiwalay siya sa akin dahil nga raw para akong lalaki manamit at kumilos.
Ginawa ko lang naman ang bagay na iyon para tigilan na ako ng Hyfertinshaun sa pangbu-bully. Sa ganoong paraan, kapag nagpakita ako ng kaangasan sa school ay baka tumigil na sila sa pang-aasar sa akin na naging epektibo naman dahil simula noon ay tinantanan na ako nila Hyden, Austin at Shaun.
Pero hindi ko inaasahan na ang pagbabago ko ng imahe ay makakaapekto rin sa samahan namin ni Red. Akala ko nagustuhan niya ako bilang ako. Iyon pala ay pakitang-tao lang ang lahat. Napag-tripan lang siguro niya ako kaya pumatol siya sa akin.
Hindi ko na naitama ang mali na naumpisahan ko. Pinangatawan ko na rin na may boyfriend talaga ako dahil naramdaman ko na masaya at excited ang parents ko na makilala ang boyfriend ko. Kaya naman humingi ako ng tulong kay Jazzfer para magpanggap na bf ko. Pero may epal na umeksena kaya pinagtitiisan ko kasama ngayon si Hyden.
Hindi ko pa pala nababanggit kay Hyden na extend pa ng two weeks ang stay nila mama at papa. Siguro maba-badtrip iyon kapag nalaman niya na mahabang panahon pa ang titiisin niya sa piling ko.
"Ginusto niya ito kaya magtiis siya na hindi makapangbabae." Hindi nga naman siya makakaporma sa mga chicks niya dahil hindi pa expire ang relasyon naming dalawa.
Hindi lang pamilya ko at ibang tao ang pinagsinungalingan ko. Nagsisinungaling rin ako kay Hyden at mas lalo sa sarili ko. Hindi ko maamin na mas masahol pa sa pagkakagusto ang nararamdaman ko ngayon para sa kaniya.
Ito na siguro iyong tinatawag nilang first love? First kiss ko si Hyden at first love ko siya. YATA?
Bakit may yata pa? Hindi ka pa rin sigurado, Heiley? Isipin mo na lang iyong naging reaksyon mo kanina sa playground. HULI KA NA EH! Mag-walk out daw ba? Aminin mo na nasaktan ka nang marinig mo ang sinabi ni Hyden na "Asa ka naman na magustuhan kita 'no." dahil sa dulo ng puso mo, umaasam ka rin na SANA MAHAL KA RIN NIYA DAHIL MAHAL MO NA NGA SIYA. Ano? Magsisinungaling ka pa rin sa akin? Mahal mo na si Hyden. Ang halimaw na naninirahan na ngayon sa puso mo. Ang mahabang litanya ni konsensya.
PESTE NAMAN OH!
OO, AAMININ KO NA SA SARILI KO NA MAHAL KO SI HYDEN REYES. ANO? MASAYA KA NA? Sagot ko naman kay konsensiya.
Pinagpatuloy ko naman ang pag-scroll down sa news feed ng f*******: ko at binasa ko naman ang post ni Axle Dela Cruz, classmate ko noong elementary.
"Paano mo ba malalaman sa sarili mo na nagsisinungaling ka? Kailangan ba na palaging may palusot sa mga salitang binibitawan mo lalo na kung malayo sa katotohanan? Kaasar lang 'no?"
Hay naku, wala akong pakialam sa i-ne-emote mo, Axle.
Bigla kong naisip si Hyden. Hindi kami friend sa f*******: pero curios ako makita ang profile niya kaya hinanap ko siya at hindi naman ako nahirapan na hanapin siya dahil real name ang ginamit niya sa profile niya. Pinasadahan ko ng tingin ang timeline niya.
BOOM! GISING!
Picture ko ang nakabalandra sa timeline niya with caption. "There's this girl, the one and only wonder of this world."
Kinuhanan niya pala ako ng litrato kanina sa fast food?! And what about the caption?
The one and only wonder of this world?
Grabe! ANO IBIG SABIHIN NITO?! PAKI-TRANSLATE SA TAGALOG PLEASE!
**********
Nandito kami ngayon sa MuRamen Restaurant. Katatapos lang namin magsimba at nagplano na naman ang pamilya ko na mamasyal. Sinusulit ng mga magulang ko ang kanilang bakasyon dito sa Pilipinas dahil babalik na naman sila sa USA sa susunod na Linggo. Magiging busy na naman sila sa trabaho.
Maraming gustong puntahan sina mama at papa. Panay na nga ang search nila sa internet kung saan sila puwede mamasyal. Gusto ko sana sumama kaya lang may klase naman ako at marami rin inaasikaso na mga projects at assignments.
Hayaan ko na muna makapag-moment sila mama at papa. Hindi naman sila magtatagal at babalik din dito para naman makasama nila ako sa ilang araw na pananatili nila dito sa Pilipinas.
Nakapila sila ngayon sa counter at kasalukuyan umo-order na nang makakain habang hinihintay namin na dumating sila Hyden.
Nasa unahan ni papa si mama at habang hinihintay nila ang order ay nakayakap mula sa likod ni mama si papa. Nakapulupot ang braso ni papa sa baywang ni mama.
Grabe! Walang kupas pa rin sa katamisan ang mga magulang ko. Kailan kaya kami magiging ganyan ni Hyden?
Waaahhhhh! Ambisyosong butiki! Umaasa ba talaga ako na magkakaroon ng katuparan na maging totoo ang palabas naming ito? Hindi ko pa nga maamin sa kaniya ang nararamdaman ko. Asa naman na magugustuhan niya ako.
"Asa ka naman na magustuhan kita. Nakakatawa ka i-good time, Ley!"
Ugh! Buwisit! Bakit naisip ko na naman ang pesteng sinabi na iyon ng halimaw? Ayoko na sanang isipin iyon kaya lang nag-o-automatic rewind iyon sa utak ko kapag naaalala ko si Hyden.
Katatapos ko lang magsimba pero nagkakasala agad ako dahil sa kaniya. Aaminin ko na nasaktan ako sa sinabi niya kagabi.
Pangit ba ako? Masama ba ugali ko? May kulang ba sa akin at iyong mga lalaking nagugustuhan ko ay hindi ako magawang magustuhan?
"Apo, may problema ba?" Napatingin ako kay Lolo Jaime.
"Kanina ka pa namin pinagmamasdan, apo. Kanina ka pa nakasimangot diyan. Huwag mong sabihin, nami-miss mo agad si Hyden?" tanong ni Lola Anita.
"Kanina niyo pa po pala ako pinapanood. Naku, nag-iinarte lang po ako, Lola, kaya 'wag niyo na lang po pansinin ang mga facial expression ko. Ganito po talaga kapag may pinagdadaanan. Saka ano ba iyang miss-miss na iyan? Nagsasawa na nga po ako makita pagmumukha niya eh," lukaret kong sagot sa kanila.
"Tulak ng bibig, kabig ng dibdib apo," pang-aasar na sagot ni Lolo Jaime.
"Basta apo, i-enjoy niyo lang ang samahan na mayroon kayo ni Hyden. Matagal na kayong magkakilala at magkaibigan at sana alagaan niyo ang relasyon na mayroon kayo. Natutuwa kami ng Lolo mo dahil nauwi sa pagmamahalan ang pagtingin niyo sa isa't-isa. Basta ang concern namin dito ay pag-aaral muna ah. Pinayagan kayo ng magulang niyo na ipagpatuloy ang relasyon niyo basta 'wag lang kayong gagawa ng dahilan na ikasisira niyong dalawa. Pinagkakatiwalaan ka ng mga magulang mo kaya huwag mong sirain iyon, apo. Basta nandito lang kami ng Lolo mo kapag kailangan mo ng makakausap." Ang drama ni Lola Anita.
"Salamat po, Lolo at Lola. Alam naman po namin ni Hyden ang priority at limitation namin kaya huwag po kayo mag-alala. Hinding-hindi ko po sisirain ang tiwalang binigay niyo sa akin."
Saka mag-be-break din naman kami kaya wala naman talaga dapat ipag-alala. Relax lang po kayo riyan. Gusto ko sana idugtong kaya lang mananagot naman ako sa kanila kung sasabihin ko nga iyon.
Tama naman 'di ba? Maghihiwalay din kami ni Hyden sa takdang panahon kaya no need for more advice. Oo, matatapos din ang pagkukunyaring ito.
Biro lang po, Papa Jesus. Ayoko pa po makipaghiwalay sa kaniya. Mangiyak-ngiyak kong drama sa isip ko.
Habang nag-e-emote ay tumunog ang cellphone ko. Hindi ko mapigilan ang hindi mangiti dahil kanina ko pa talaga inaabangan ang message niya. Dali-dali kong kinuha ang cellphone na nasa bulsa ko ng pantalon ko at sobrang dismayado ako nang malaman na si Reyca Salazar lang pala galing ang message. Classmate ko na tahimik pero ang ingay sa text. Maingay sa text dahil kung ano-anong kadramahan ang gini-giem.
"NEVER GIVE UP ON SOMEONE YOU CAN'T GO A DAY WITHOUT THINKING ABOUT. Sa tagalog, HABANG MAY HININGA, MAY PAG-ASA. Hahaha. Nang-aaning lang, guys. Basta yun na yun. Kung gusto mo ang isang tao, sabihin mo na agad! Wag mong sarilinin ang feeling na yan para hindi mapanis diyan sa puso mo. Hahaha. Amin-amin din kapag may time. #iLoveMySelf"
Hay naku, Reyca, huwag ka ng dumagdag pa sa isipin ko.
Binura ko agad ang gm niya. Maya-maya pa ay tumunog ulit ang cellphone ko. Mukhang gm na naman iyan. Walang kagana-gana na binuksan ko ang message at galing kay Baby Hyd!
Binago ko kagabi ang name niya sa phone ko nang may ma-realize ako. Hindi na kasi bagay ang halimaw kahit na pa minsan-minsan ay naiinis ako, natatawag ko pa rin siya sa pet name niya.
BABY HYD : Baby, mlpit na kmi.
AKO : k.
BABY HYD : galit ka pa rin ba?
AKO : may dahilan ba pra magalit aq?
BABY HYD : ndi kc kta nakausap sa simbahan knina dahil wlang chance pro sana peace na tayo.
Rereplayan ko sana ang text niya nang dumating na sa mesa ang mga pagkain.
"Nasaan na raw sila, anak?" Tanong ni mama.
"Malapit na po yata sila, Ma."
"Hintayin na natin sila. Maya-maya lang ay nandito na ang mga iyon." Hindi nga nagkamali si papa dahil nahagip na ng mata ko ang buhok ni Hyden na papalapit sa puwesto namin.
"Sorry we're late. Sobrang traffic." Si Tita Alexa ang unang lumapit sa amin habang nasa likod naman niya si Tito Kobi.
"Okay lang, balae. Tamang-tama ang dating niyo dahil nakahain na ang ating pagkain. Upo na kayo," magiliw na sagot ni papa.
Nakakatuwa pagmasdan ang pamilya namin ni Hyden na magkakasama. Sobrang komportable na sila sa isa't-isa. Para silang matagal ng magkakaibigan nila Tita Alexa at Tito Kobi.
Teka, nasaan nga pala si Hyden? Nakita ko na ang buhok niya ah.
"Hazel, nasaan ang kuya mo?"
"Nasa likod mo." Sabay nguso sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Hyden na nakangiti sa akin.
"Flowers for you." At unti-unti niyang nilabas ang nakatagong tatlong pulang rosas mula sa likuran niya.
THREE RED ROSES FROM MY BABY! HIS VOICE SOUNDS SO MELODY TO MY EARS.
"I'm falling in love."