- HYDEN - Sa sobrang bilis ko tumakbo para balikan si Heiley ay hindi ko napansin ang bagay na nakaharang sa dinaanan ko kaya ang nangyari ay natapilok ako. Dahil doon ay nagkaroon ako ng galos sa tuhod at braso. "Buwisit! Kung kailan ako nagmamadali, saka naman may pahara-hara sa dinaraanan ko." Tinaas ko ang pants ko at nakita kong medyo nagdurugo ang tuhod ko. Hindi ko na lang masyado pinansin ang galos ko kahit na mahapdi. Tumayo ako at dahan-dahan na lang na naglakad nang bigla naman umulan. Wow lang. Ang galing mo makisama. Salamat sa'yo, ulan! Buwisit! Kahit hirap ako maglakad ay pinilit ko pa rin tumakbo. Kailangan maabutan ko si Heiley. Babawiin ko ang sinabi ko sa kaniya kanina. Hindi pa naman siguro huli ang lahat sa amin. Ang importante ay makapag-sorry ako sa kaniya. I

