- HYDEN - "Shaun!" malakas kong tawag sa kaniya. Tumingin siya sa akin nang may pagkagulat. Lumingon si Hazel at halatang nagulat din nang makita ako. "Ku-Kuya Hyden." Biglang humiwalay si Hazel sa pagkakayakap ni Shaun nang makita ako. Lumapit ako sa kanila at pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Alam kong magkadikit ang kilay ko at ewan kung ano ang hitsura ko. Nayayamot kasi ako sa kanilang dalawa. "Anong kalokohan ito?" Nagkunwari akong walang alam. "Um, dude. I-ikaw pala." Biglang naubo si Shaun. "Oo. Ako ito at wala ng iba pa. Anong kadramahan ang nakikita ko rito? Para kayong mga artista sa teleserye ah." "Kanina ka pa ba rito?!" Napalakas ang pagkakatanong ni Hazel. "Oo at hindi ko na kinaya ang kakornihan niyong dalawa. Gusto kong malaman kung ano ang pinag-aa

