-HYDEN REYES- Tutuloy or hindi? Tutuloy or hindi? Nandito ako ngayon sa harap ng bahay nila Heiley. Nabalitaan ko ang nangyari sa kaniya kanina kaya naman nag-iisip pa rin ako kung kakatok ako para kumustahin ang kalagayan niya or mag-pretend na wala akong alam. Oo, masakit talaga. Masakit na masakit na mahal na mahal ko siya pero wala akong magawa. Hindi nga siguro kami para sa isa't-isa. Tadhana na ang nakilos para sa amin at ito na nga iyon. Pinaglalayo talaga ang kapalaran naming dalawa. Aalis na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. "Hyden!" Si Lola Jaime. Nagulat nang makita ako. Kahit ako nagulat din dahil wala na sana akong balak na ituloy pa ang plano ko. "Lo─Lolo Jaime." I stammered. "Kanina ka pa ba riyan?" "Hi─Hindi naman po. Ka─kararating ko lang po." Binuks

