-HEILEY-
"Nag-text na ba si Jazzfer sa'yo?" tanong ko kay Hyden.
Kasalukuyan kaming nakatambay sa open field ng campus. Wala kaming teacher dahil may meeting sila. Katatapos lang din ng lunch break kaya naisipan naming dalawa na tumambay na hindi kasama ang mga tropa niya. Tinaguan lang naman ni Hyden. Ewan kung bakit umiiwas siya sa dalawang iyon.
Hindi pa kaya alam ng dalawang iyon ang tungkol sa amin? Pero baka alam na kasi nakita na nga nila ang bracelet na suot naming dalawa kahapon eh.
"Hindi nga nag-re-reply eh. Tumawag ako kanina pero hindi niya sinasagot ang cellphone niya."
"Dahil siguro iyon sa nangyari kagabi. Broken hearted pa dahil kay Rojean."
Kanina ko lang nalaman na schoolmate pala namin iyon. Gaya nila Red at Jazzfer ay bago lang din siya sa school namin. Ahead lang siya sa amin ng one year.
"Girlfriend niya na pala si Rojean. Akala ko kasi nasa ligawan stage pa lang sila eh," Hyden mumbled.
"Kung ganoon, kilala mo na si Rojean noon pa?" takang tanong ko.
"Nakuwento niya sa akin iyon dati pero first time ko siyang nakita kagabi. Siya iyong babaeng nagugustuhan ni Jazzfer," Hyden explained.
"Talaga?! Bakit hindi ko alam iyon? Hindi man lang nagkukuwento si Jazzfer." Parang kinausap ko lang sarili ko nang tanungin ko iyon.
"Eh bakit ba parang interesadong-interesado kang malaman ang bagay na iyon? Ano naman kung may nagugustuhan si Jazzfer ngayon?"
"Natanong ko lang. Masama ba?" Bakit parang sumungit naman yata ang aura nito bigla?
"May gusto ka ba kay Jazzfer?" May halong pagdududa ang tanong niya. Ano naman kaya ang drama nito?
"Bakit ganyan ang tono mo? Nag-seselos ka ba?" pang-aasar ko. "Oh, hindi ka ngayon makasagot diyan. Siguro totoong nagseselos ka 'no? Aminin mo na kasi na gusto mo rin ako.
Dali! Ito na ang matagal kong hinihintay. Kagabi pa ako nangangati na malaman ang totoong nararamdaman mo. Naputol lang dahil ang daming umeksena.
I have a strong feelings that this is the day!
"Excuse me, Mr. Hyden Reyes." Sino na namang extrang nilalang ang nakisali sa usapan naming dalawa ng baby ko?!
"Yes?" Hinarap ni Hyden ang tumawag sa kaniya at napalingon ako para tingnan ang buwisit na sumira ng moment naming dalawa.
"Hi, just want to remind you about the interview for the school newspaper. I need to set an interview with your group that's why I'm here. Kailan kayo available? Para naman makapag-start na kami kasi before October, dapat matapos na namin itong mga paper works namin."
"Ah, ikaw iyong news writer. Ano ulit name mo? Tina?"
"It's Katrina, Trina for short not Tina." Halatang aburido ang Trina na ito ah.
"Whatever. By the way, why we need to do this interview? Para saan ba iyan?"
"Eeeerrrr... why you have so many questions ba? Try to ask them para malinawan ka."
"Them?" Kunot-noong tanong ni Hyden.
"Yes, sila." Ako na ang sumagot sa tanong niya.
Nginuso ko sa kaniya ang ilang babaeng kanina pa pasulyap-sulyap sa puwesto namin. Kung may granada lang akong dala ay baka naihagis ko na ito sa kanila at tiyak na nagkalasog-lasog na ang katawan ng mga babaitang ito na kanina pa nakatunghay sa amin.
Sobrang guwapo ba talaga ni Hyden para pagnasaan ng mga students dito sa school?
"I have no choice but to put you and your group in our school news paper. Lots of students here wants to know some facts about HYFERTINSHAUN that's why I'm talking to you right now to set an interview with you. Nakausap ko na rin ang iba mo pang kaibigan but they told me to talk to you personally dahil ikaw nga raw ang leader ng grupo niyo."
"Hahahaha... Cool! I can't believe na marami pala ang interesado sa grupo namin. Well... that's fine with me. Maybe before October ay puwede mo na kami interviewhin basta 'wag lang ngayon dahil marami pa kami inaasikaso eh. I will let you know once we're ready for that interview. Is that okay with you, Ms. Trina?"
Hmmm... Ang yabang naman nitong Hyden na ito. Feeling celebrity lang ah. At parang hindi man lang nakakaramdam ang dalawa na nag-e-exist pa ako sa mundong ito. No pansin lang? Deadma?!!
"Thank you, Mr. Reyes. By the way, can I have your number so that we can contact you in case na magkaroon ng changes sa appointment namin sa'yo?" Nagbago na ang aura ng Trina. Nakangiti na ito kaya lalong sumingkit ang mata nito.
Aba! Umaariba na? Kailangan pa talaga kunin ang cellphone number?! Talagang pure business lang ba ang namamagitan sa kanila or more than that? Ugh!!! Monday na Lunes ay bad vibes ang natatamasa ng pakiramdam ko ngayon ah. Layasan ko nga silang dalawa!
Nakakaisang hakbang pa lang ako nang mapakunot-noo ako.
"Thank you, Mr. Hyden Reyes for your contact details. Be ready with the interview okay? Have a nice day."
"Same with you, Ms. Trina. Thanks!"
Napalingon ako muli sa kanilang dalawa at nilapitan si Hyden nang makalayo na sa amin si Trina.
"Cellphone number ko ba ang binigay mo sa kaniya?"
"Oo."
"Bakit number ko ang binigay mo?"
"Alam ko na ang mga babae ay super selosa kaya naman dapat lang na layuan ko ang magiging dahilan ng ikakaselos nila 'di ba?" he smirked.
"Ah. Talagang "nila"? Oo nga naman, ang dami mo na kasing mga naging babae 'no?"
"Sa lahat ng emosyon na pinapakita ng tao, selos ang pinakamahirap itago, 'di ba, baby?" Ngiting wagas! Lalamutakin ko itong mukha ni Hyden eh. Kainis! Sobrang obvious talaga na nagseselos ako? Lintek na selos yan!
"Ano? Ibibigay ko na lang ba ang number ko kay Trina?"
"Okay lang," parang bale-walang sagot ko pero sa kaloob-looban ko, gusto kong sumigaw ng ISANG MALAKING H-I-N-D-I!!! NO WAY!!!!
"Oh sige, susundan ko lang siya at ang cellphone number ko na lang ang ibibigay ko." Pinigilan ko siya nang aktong tototohanin niya talaga ang pagsunod kay Trina.
"Sandali."
"Bakit?"
Hindi ako nakaimik. Parang naurong ang dila ko nang tinitigan niya ako. Sa kawalan ng sasabihin ay tumalikod na lang ako at nagsimula nang maglakad.
"Baby, all I want is you so don't think too much, okay?"
Kinilabutan ako nang marinig ko ang husky voice ni Hyden sa tenga ko habang nakayakap siya sa akin mula sa likod ko. Kaya lang, badtrip! Kikiligin na sana ako eh. Okay na eh. Nakayakap na siya sa akin eh. Pero bakit kailangan lakasan ang boses kung nakatapat naman ang bibig niya sa tenga ko?
"Hyden, naman! Hindi ako bingi. Bakit kailangan pa lakasan ang volume ng boses mo?"
"Ssshhh. Red is here. Act naturally." Saka naman niya hininaan ang boses niya.
Nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi ko makita kung ano reaksyon ni Hyden. Iyon naman pala iyon! Yayakap lang dahil nasa tabi-tabi pala si Red.
Eh nasaan ba iyon? Tinanggal ko ang kamay niya na nakayakap pa rin sa akin. "Nasaan ba siya?"
Humarap ako sa kaniya at sinundan ko ng tingin kung saan naka-focus ang mata niya. Hindi sa kalayuan ay nakita ko nga si Red pero hindi naman siya nakatingin sa direksyon namin. May kausap siyang babae, si Trina.
"Halika na. Umalis na tayo." Hinila niya ang kamay ko at naglakad na kaming muli.
Hindi na kami maka-usad-usad sa paglalakad dahil ang daming extra moments. Nakakainis lang talaga. Idagdag pa riyan ang nakakairitang mga babaeng sinusundan kami ng tingin ni Hyden habang naglalakad kami. Ang lakas pa ng bulungan ng mga bruhilda ng dumaan ako sa harapan ng tatlong babaeng nag-uumpukan.
"Ano kaya ang nagustuhan ni Hyden kay Heiley?"
"Oo nga eh. Kahit magpa-girly pa siya, para pa rin siyang lalake kung kumilos 'no?"
"Saka hindi naman siya maganda. Maputi lang naman siya but I'm sure na kapag nangitim iyan, mukha ng bakekang iyan.'' At nagtawanan ang tatlong buwisit na nilalang na iyon nang makalampas kami.
Kilala ko ang tatlong iyon at gusto ko lang naman tapyasin ang bunganga nila Audrey, Wennilyn at Ellie.
Putrages. Kapag hindi pa tumigil ang tatlong ito talagang cha-chop-chopin ko ang mga katawan ng mga ito.
"Huwag mo na lang silang pansinin."
"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Isa lang ako laban sa libo-libo mong mga fans dito sa school."
"Nagseselos ka pa rin, baby?" Tumingin siya sa akin at naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko.
"Eh kung sabihin kung oo. Ano gagawin mo?
"Ano ulit iyon?"
Peste!! Paano maiintindihan ni Hyden ang sinabi ko kung habang sinasabi ko iyon ay panay na ang tunog ng cellphone niya.
Kung sino ka mang tumawag sa baby ko, sana malasin ka sa buhay pag-ibig! Panira ka ng moment eh!
"Sagutin mo na lang kaya iyang tumatawag sa'yo 'no nang magtigil na iyang pesteng sound mo."
"Ang highblood talaga ng baby ko. Sige, saglit lang."
Ugh! Papa Jesus naman eh. Bakit laging may umeeksena?! Ayaw niyo po ba ako maging maligaya? Nakakainis na po talaga eh. Always na lang.
"Hello. Oh Kuya Samuel, napatawag ka. I'm here at the school. Yes, we're all fine. How about you, kuya? Si Kuya Robi, kasama mo ba riyan sa hacienda? You're still mending a brokenheart pa ba ang tema? Hahaha. Just kidding. Nasaan po si Lolo?"
Still mending a brokenheart? Ibig sabihin ay sawi nga sa pag-ibig ang Samuel na iyon? Hala! Bakit ang bilis naman ng pangyayari? Parang kanina lang, hiniling ko na sana malasin sa pag-ibig ang maninira ng moment namin ni Hyden tapos ngayon, brokenhearted pala talaga siya?
Nang sa wakas ay tapos na siyang makipag-usap.
"Si Kuya Samuel ko iyon, pinsan ko. Napatawag lang kasi nangungumusta. Inaaya ako na magbakasyon sa hacienda ni Lolo sa sembreak eh."
"Ah. Kawawa naman ang pinsan mo."
"Bakit naman?"
"Brokenhearted siya, 'di ba?"
"Ah oo. Hindi ko pa ba nakukuwento sa iyo? Magpapakasal na sana siya sa matagal na niyang girlfriend kaya lang may nangyaring hindi maganda eh."
"What happened?" Curios lang ako sa kuwento ng buhay pag-ibig ng pinsan niya.
"Hindi ko rin naman alam ang buong kwento eh. Basta nalaman ko lang kanila Tita Mary Ann na hindi na nga raw nagpakita kay Kuya Samuel ang girlfriend niya."
"Ganoon pala iyon. Mayaman pala kayo." Kunyari na lang ay interesado ako sa kinukwento niya.
"Anong kinalaman ng pagiging mayaman sa heartbroken na si Kuya Samuel? Si Lolo Juanito lang ang mayaman, hindi kami," natatawang saad ni Hyden.
"Pero ano nga ang gagawin mo kung nagseselos ako?" Singit ko lang ulit. Gusto ko talaga malaman kung ano isasagot niya eh.