19 ❤️

1347 Words
- HEILEY - "Heiley, nasaan na ba ang boyfriend mo? May problema ba kayong dalawa? Kanina ko pa pansin na tahimik lang kayo." Naku! Sinasabi ko na nga ba eh. Nagtataka na si mama. "Um, wala po. Wala po kaming problema." Ngumiti ako ng pilit kay mama. "Sandali po, tawagan ko lang po si Hyden." "Mabuti pa nga." I search for his phone number. CALLING HALIMAW... Hindi ko pa pala napapalitan ang pangalan niya sa contacts ko. Kailangan ko na ito baguhin bago pa madiskubre ito ni Mama at magtanong pa ng kung anu-ano. Kailangan ng palitan dahil hindi na halimaw ang tingin ko sa kaniya. Maybe beautiful monster? Or rather handsome monster na lang. "Hello." Hindi ko namalayan na sinagot na pala ni Hyden ang tawag ko. "Hello Hyden, nasaan ka na?" "Hmmm, palabas na ako ng store. Kayo?" "Nandito na kami sa videoke booth. Alam mo ba ito?" "Yes. Papunta na ako riyan." "Okay, sige wait ka namin dito." "Okay." "I... I l-love you,'' I uttered. Call Ended ********* - HYDEN - Ano ulit iyong sinabi ni Heiley kanina sa phone? I LOVE YOU? Hmmm. Iyon nga ba talaga ang narinig ko or I'm beginning to imagining things kaya kung anu-ano pumapasok sa tainga ko? Grabe, makatakbo na nga papunta sa booth nang ma-confirm ko kung ano talaga iyong sinabi niya. Pero... Pero... I LOVE YOU talaga iyong narinig ko eh. Naglinis naman ako ng tainga kaya feeling ko I LOVE YOU talaga narinig ko. Hindi ako puwede magkamali. I LOVE YOU I LOVE YOU I LOVE YOU Tumakbo na ako nang mabilis para mapuntahan na si Heiley. Nakita ko naman mula sa transparent wall na nasa loob na nga sila at nagkakantahan. Si Heiley naman ay abala sa hawak na song book. Medyo nagpalipas muna ako ng isang minuto sa labas para hindi halatang pagpasok ko sa loob na hinihingal ako mula sa pagtakbo. Pagbukas ko ng pintuan, narinig ko ang pagkanta nila Tita Shiela and Tito Leo. Got to believe in magic.Tell me how two people find each other.In a world that's full of strangers; You've got to believe in magic, Somethin' stronger than the moon above.'Cause it's magic when two people fall in love. Pinuntahan ko si Heiley na nasa sulok. Tinabihan ko siya at agad na hinalikan sa pisngi. "May napili ka na ba?" tanong ko sa kaniya. Tumingin lang siya sa akin at walang sinabi. Binalik niya agad ang tingin sa song book. "Ley, tungkol sa sinabi mo sa cellphone, totoo─" "Hyd, pumili ka na ng kanta." Putol ni Heiley sa sasabihin ko sana sa kaniya. "Huh?" "Sabi ko, pumili ka na ng kanta," aniya sabay ngiti sa akin. "Ley, may itatanong sana─" "Ang kulit mo naman, Hyd. Pumili ka na muna ng kanta. Hindi kasi ako makapag-decide kung ano maganda kantahin eh." Okay.Ayaw niya ako patapusin sa sasabihin ko. Sige, mamaya na lang. Baka nahihiya lang siya. "Hijo, saan ka ba galing?" tanong ni mommy. Katabi niya si daddy na kasalukuyan kausap sina Lolo Jaime at Lola Anita. "Ah, diyan lang po sa tabi-tabi. May binili lang po ako." "Ano naman ang binili mo? Buti may pera ka?" tanong ulit sa akin ni mommy. "Nag-iipon naman po ako kaya may pera ako." "Very good, my son. Pero ano nga ba iyong binili mo?" Ang kulit naman ni mommy. "Basta. Sikretong malupit. Walang clue." Napailing na lang siya sa akin. Pinagmasdan ko naman sina Tita Shiela at Tito Leo. Super sweet sa pagkanta ng Got To Believe. Siguro theme song nila iyon kaya todo emote sila sa pagkanta niyon. Tumingin ako sa song book na binigay sa akin ni Heiley. Hanap ng magandang kakantahin. Lipat ulit ng page. Isa pa, lipat pa ulit ng page. Sige, lipat pa. Hmmm. Ano nga ba maganda kantahin ni Heiley? Never ko pa siya narinig kumanta eh. Hindi ko alam kung ano magandang piliin. Ang dami naman kasi kanta sa songbook. Hindi ko rin naman alam kung iyong pipiliin ko ay alam niya. . "Oh Hyden, kayo naman ni Heiley ang kumanta." Tapos na pala sila Tito Leo at Tita Shiela. Inabot sa akin ni Tita ang microphone. "Baby, tara kanta tayo," aya ko sa kaniya. Kaya lang, parang hindi niya ako narinig dahil tulala lang itong nakatingin sa tv screen gayong tapos ng kumanta sila tita at tito. "Oy, baby." Hinarang ko mukha ko sa mukha niya. "Ang layo ng tanaw mo ah. Tayo na raw kakanta." Parang biglang natauhan si Heiley nang makita niya ang guwapo kong mukha. "Ikaw na bahala. Pakinggan na lang kita kumanta." "Kiss muna para kantahan kita." Sabay haba ng nguso. "Suntok gusto mo?" Pinakita niya sa akin ang kamao niya na handa isuntok sa mukha ko pero mabilis kong hinalikan ang kamay niya. "Sus Maria. Ang tamis naman ng mga batang iyan. Masyado na kayo pinapapak ng langgam diyan. Wala pa bang kumakagat sa inyo?" Nilingon namin si Lolo Jaime at masaya siyang nakatingin sa amin. "Oo nga, Jaime, parang ikaw lang ngayong matanda ka na." Magkayakap din kasi silang dalawa kaya napuno ng halakhak ang paligid. "Kakanta ba kayo o kakanta kayo?" Nakisali na sa usapan si Hazel na halatang irita na sa amin. "Anak, wala pa ba kayo napipiling kanta?" tanong ni Tita Shiela. "Wala pa rin po eh. Mag-suggest na lang po kayo kung ano ang kakantahin ni Hyden." "Dapat kayong dalawa rin ang kakanta para mas maganda at mas sweet." Halatang nanunukso ang tono ni Tito Leo. "Anak, 'di ba kinakanta mo iyong kanta nila Rachelle Anne Go at Christian Bautista? Paborito ko iyon eh. Iyon na lang ang kantahin niyo," wika ni mommy. "Ah oo. Alam ko rin iyon. Pag-ibig na kaya ang title nun eh. Teka, hanapin ko sa songbook." Kinuha ni daddy ang hawak kong song book at hinanap nga niya. Sinulyapan ko Heiley na nahuli kong nakatitig na pala sa akin. "A-alam mo ba iyon?" "A-Ah. Oo. Theme song iyon sa Princess Hours 'di ba?" "Oo tama. Mahilig ka ba sa Koreanovela?" "Medyo." Lumapit si daddy sa videoke at nag-play na nga iyong kanta na gusto nilang kantahin namin. "Galingan niyong dalawa ah. Dapat with full of emote din." Sabi naman ni Lolo Jaime. "Ready?" tanong ko kay Heiley. Tumango lang siya sa akin at ngumiti. Dahil masaya akong makita siyang nakangiti, kinuha ko ang kamay niya at niyakap ito gamit ng kamay ko. Kami na ang magka-holding hands habang kumakanta. Mabuti na lang at hindi na pumalag ang baby ko. ********* "Di na maalala. Pa'no nagsimula. Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw. Laging ikaw, ang laging nakikita. Ano ba ang nadarama ko tuwing ikaw ay kasama?" Nakatutok ako sa Tv screen at sinusundan ang bawat lyrics na sinasabayan ni Heiley. Nang ako na ang susunod, imbes na gayahin ko ang ginawa niya, binaling ko sa kaniya ang tingin ko. Iyon pang parang nanghaharana lang. "Ganyan din ang nadarama ko. Tuwing ika'y lalapit sa akin. Ako'y parang natutulala. 'Di ko malaman ang sasabihin ko." Tumitig din naman siya sa akin at hindi ko alam kung bakit siya natatawa habang kumakanta ako. Nawawala tuloy ang pagiging seryoso ko habang kinakantahan siya dahil sa pagtawa niya eh. Sabay na kaming kumanta pagdating sa chorus. "Pag-ibig na kaya? Pareho ang nadarama. Ito ba ang simula? 'Di na mapipigilan. Pag-ibig nga ito. Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito.Pag-ibig na kaya ito? Pagkat nararamdaman. Pag-ibig ating natagpuan." Sigurado ako pag-ibig na itong nararamdaman ko kay Heiley at sana ganoon din siya sa akin. Kailangan, bago matapos ang gabing ito ay matanong ko siya tungkol sa sinabi niya kanina. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naririnig mula sa labi niya ang napaka-tamis na katagang iyon. Tatlong salita na magbibigay ng umaapaw na kaligayahan sa akin. "Malalaman mo lang. Ang nararamdaman, na ako ay magiging ikaw. Damdamin nati'y magsama." Hayan na naman ang matatanda. Todo picture na naman sa aming dalawa. Kislapan doon, kislapan dito. Gagawan ba kami ng mga ito ng photo album? "Laman ng puso ko'y ganyan din. Ikaw ay narito sa akin. 'Di ko hahayaang mawalay. Dito ka sa aking piling."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD