-LEY-
Dahil feeling lonely ang mood ko ngayon, binunton ko na lang sa mga pagkain lahat ng atensyon ko. Kain ng spaghetti, lamon ng burger, subo ng fries, lagok ng drinks, at papak ng ketchup. Lalantakan ko na rin sana ang chicken joy nang biglang magdilim ang paningin ko...
"Naman oh, kumakain po ako. Pakitanggal po ang kamay sa mata ko," pagpaparinig ko sa taong tumakip ng mata ko.
Wala akong nakuhang sagot mula sa mga kasama ko. Mukhang napagti-tripan ako at ayoko ng ganoon. "Sino ba ito?"
Hinawakan ko ang kamay ng taong tumakip sa mata ko. Maliit lamang ang kaniyang kamay kaya may pakiramdam ako na babae itong nangti-trip sa akin. "Utang na loob, wala tayo sa playground kaya tigilan mo ang paglalaro ng hide and seek, Ate."
"Ate? Hind siya ate." I heard Kuya Andrew voice.
Kung hindi siya ate, ibig sabihin kuya siya? Lalake. Ang liit naman ng kamay niya para sa isang lalake. Ahh, siguro dahil bata itong gustong makipaglaro sa akin.
"Little boy, stop playing na." I calmly mumbled.
"Anong little boy? Hindi siya boy." Kuya Andrew uttered and everyone laughed.
Binu-bully nila ako!!! Gusto ko ng umiyak!
"Bigyan kita ng clue, apo. You know this cute human for a long, long time. Sobrang miss ka na niya, gaya ng pagka-miss mo sa kaniya." Lolo Jaime said.
Miss niya ako at miss ko rin siya?
"Hyden??!!!" Mabilis pa sa alas-kwatrong sagot ko.
"Who's Hyden? Naku, Heiley ah. Mayroon kang hindi sinasabi sa akin," Kuya Andrew muttered.
"Ang kulit naman oh. Sino ba kasi 'to? Kapag hindi ka nagsalita riyan, kung sino man itong nasa likod ko, kakagatin ko kamay mo," pananakot ko sa kaniya.
Tinanggal na niya ang kamay sa mata ko at lumingon ako para alamin kung sino iyon.
"Ate Kiray" Nagulat ako nang siya ang mabungaran ko mula sa likod ko. Akala ko talaga. Akala ko lang pala.
"Grabe ka, bebe, kakagatin mo talaga ang kamay ko? Monster ka na ba?" She kidded.
"Sorry, Ate Kiray. Kasi naman eh, may pa takip-takip ka pa ng mata sa akin," hinging paumanhin ko.
Si Ate Kiray ay kababata at kapit-bahay ko sa lumang tirahan namin. Huli kaming nagkita noong nakaraang taon, sa araw ng kaarawan niya.
"Ikaw, bebe ah, may Hyden ka na pala. Sino iyon? Pakilala mo naman sa akin," panunukso niya.
Likas na masayahin si Ate Kiray. Natural in born sa kaniya ang pagpapatawa kaya naman madali ko siyang naging kaibigan noong mga bata pa lang kami. Matanda siya sa akin ng apat na taon, pero kung susumahin ang taas namin pareho, baka ako na ang magmukhang matanda sa kaniya dahil sa ka-cutean ng height niya na 4"11. Naagaw ang atensyon ko nang mapatingin ako sa taong nasa likod niya. Matangkad na babae, morena at maganda. Parang hindi siya pangkaraniwan na Pilipino. May kakaiba sa ganda niya na hindi ko maarok.
"Ah, boyfriend iyon ni Heiley. Umupo muna kayo ng kasama mo Johanna. Saluhan niyo kami dito," ani ni Lolo Jaime.
Johanna ang totoong pangalan ni Ate Kiray. Nakasanayan na lang namin siya tawagin sa palayaw niyang Kiray dahil kering-keri niya dalhin ang sarili niyang ganda sa lahat ng tao. Malakas ang self-confidence sa sarili.
Nagpaunlak naman sila na umupo ng kasama niya na pang-Miss World sa ganda.
"Si Johanna na ba iyan? Dati nating kapitbahay sa Biñan?" tanong ni papa kay Lolo.
"Oo, siya nga iyon, Leo. Ang dating kalaro ni Ley noong bata pa sila. Pero tingnan mo naman ngayon, dalagang-dalaga na talaga." Si Lola Anita ang sumagot sa tanong ni papa.
"Bukod sa gumanda ka, hija, mas lalo kang naging flawless ngayon. Wala ng nagbago sa iyo maliban sa cute mong height. Hindi ka na talaga tumangkad no?" pagbibiro ni mama.
"I know right, Tita. This is my life and I need to embrace the reality. But at least, mas lalo akong gumanda, pansin na pansin niyo naman 'di ba, Tita Shiela? Gandang hindi mo inakala." Ate Kiray replied and everyone burst our laughing.
"Naku, mas maganda nga lang sa'yo ang kasama mo, parang beauty queen sa ganda eh," wika ni lolo.
"Ay opo naman. Pagdating sa ganda, kaseksihan at talino, walang-wala po talaga ako dito sa best friend ko. Hinding-hindi ko po siya lalabanan sa bagay na iyan. Okay na sa akin ang maging number two kasunod niya. Her name is Lucky Megan Padua, our future Ms.World." Ate Kiray looked so proud while introducing her bestfriend to us.
"Grabe ka, friend. Anong Ms.World ang sinasabi mo riyan? Baka maniwala sila sa iyo ah," Ate Lucky mumbled.
"Eh ano naman? May future ka naman talaga as beauty queen. Kailangan lang natin i-practice pa more ang iyong tiwala sa sariling kakayahan at magugulat ka na lang na sobrang sikat ka na sa buong mundo."
Pansin ko ang pagiging mahiyain ni Ate Lucky. Hindi siya makatingin sa amin dahil na rin siguro sa mga sinasabi ni Ate Kiray tungkol sa kaniya.
"Hay naku, bebe, pakilala mo na lang sa amin ang guwapong nilalang na nasa bandang dulo ng upuan na ito para mas lalo akong ganahan magtrabaho." Sabay turo ng nguso kay Kuya Andrew.
Natawa kaming lahat sa paraan ng pagturo niya kay Kuya. "Ay! Oo nga naman, let me introduce to you my handsome cousin and a business owner of this Jollibee, Andrew Santos. Kuya, this is Johanna Cerezo also known as Ate Kiray kasi kering-keri niya ang kaniyang mala-diyosang kagandahan mulo ulo hanggang talampakan at si Ate Lucky, ang kaniyang "MAS" mala-diyosang bestfriend," exaggerated kong pagpapakilala sa kanila. Dahil nasa magkabilang dulo ang puwesto nila Ate Kiray at Kuya Andrew, tumayo pa siya para lang makipagkamay sa pinsan ko.
"Hi, pogi." Hindi pa rin binibitiwan ni Ate Kiray ang kamay ni kuya. Tinitingnan niya lang ito sa paraang nang-aakit. Close-open eyes while shaking their hands. "Bebe, hindi mo man lang sinabi na may guwapo ka pa lang pinsan."
"Dati siyang pangit, ngayon lang iyan naging gwapo," I jokingly teased Kuya Andrew.
Pagkatapos nilang makipag-kamayan sa isa't-isa, sunod na nakipag-shake hands si Kuya Andrew kay Ate Lucky. Tumayo lang mula sa puwesto niya si Kuya Andrew at inabot lang ang kamay ni Ate Lucky para makipag-kamay. Dalagang Pilipina talaga ang kilos ni Ate Lucky. Poise na poise talaga, Miss World nga talaga ang bawat galaw niya. Samantalang ako, wala man lang yatang 1% ng pagka-Pilipina kung kumilos.
"Ehem...." Parang natauhan naman si Kuya Andrew nang marinig niya ang pag-ehem ni Ate Kiray Saka lang niya binitawan ang kamay ni Ate Lucky na noon ay sobrang pula na ng mukha kahit kutis morena siya.
"Artista po ba kayo?" out of curiosity kong tanong.
"I'm not but I did several TV commercials. Alam mo ba iyong commercial ng Paljoice?"
"Paljoice?" Nag-loading pa sa isip ko ang brand ng shampoo and conditioner na binanggit niya. Top brand ang Paljoice sa buong bansa. Actually iyon nga rin ang ginagamit ko sa buhok ko kasi talagang smooth and fresh all day ang buhok ko everytime I use that brand. Teka, Paljoice daw? Tinitigan ko ng maigi si Ate Lucky at bigla na lang pumasok sa isip ko ang nag-trend na jingle song na naturang produkto.
"Haba ng hair, nag-Paljoice ka ba girl? Hagod pa more, all day soft hair." I sang the few lines that I remembered with that commercial. Tama! Si Ate Lucky nga iyong nasa commercial na iyon. "Omg! You're the HAGOD Girl?!!"
She sweetly laughed with my reaction. Grabe naman ang babaeng ito, pati ba naman pag-tawa, may poise pa rin? Dahil sa nalaman, walang pakeme akong nagpapicture na kasama siya. Syempre para hindi magtampo si Ate Kiray ay nagpakuha rin kaming tatlo na magkakasama. Sunod ay pang-buong barangay na picture taking na ang naganap. Nagpakuha kami sa isang crew para lahat kami ay makasama sa picture.
"Excuse me po, sagutin ko lang po itong tawag." Medyo lumayo ng kaunti sa amin si Ate Kiray para sagutin ang tawag pero hindi nagtagal ay lumapit din siya sa puwesto namin. "Mawalang-galang na madlang people but we need to move on na. May appointment pa kami ni friend eh. Gogora pa kami. Alam niyo na, dapat karirin para maabot ang dreams," Ate Kerie said smiling at us.
"Saan kayo pupunta, Ate Kiray?"
"May meeting kami sa manager ni Lucky eh. Importante kasi ito. Baka ito na iyong hinihintay naming magandang break, Bebe."
"Pasensya na po at hindi na po kami magtatagal," paalam sa amin ni Ate Lucky.
"Goodluck po sa inyong dalawa. Huwag niyo kami kalilimutan kapag sikat na kayo ah," pahabol ko sa kanila.
"Sure, bebe, basta ipakilala mo sa akin sa susunod ang boyfriend mo ah." Nagpaalam na sila sa amin at tuluyan nang umalis. Tinanaw ko sila hanggang sa makalabas sila ng fastfood.
Sa paglabas nila Ate Kiray at Ate Lucky ay may pumasok na bagong customer. Hindi ako sigurado pero parang nakita ko siya.
"Namamalikmata lang siguro ako." Bulong ko sa sarili ko sabay kusot sa mata ko.
"Anak, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Mama.
Tinigil ko ang pagkusot sa mata ko at tumingin sa kaniya. "Yes, Ma, I'm okay. Nangangati lang po ang mata ko," pagdadahilan ko na lang sa kaniya. Pero ang totoo, hindi naman talaga nangangati, gusto ko lang kusutin dahil baka marami ng nakaharang sa mata ko kaya pati dito, nakikita ko ang taong iyon.
"Gumamit ka ng panyo. Huwag kamay ang gamitin mo dahil maiinpeksyon iyan." Inabutan ako ni mama na panyo mula sa bag niya. Kinuha ko ito at pinahid sa mata ko.
Muli kong binalik ang tingin sa main entrance pero wala na roon ang taong nakita ko kanina. Dahil siguro sa labis na pag-iisip sa kaniya ay kung saan-saan ko na lang nakikita ang imahe niya.
Nakatingin pa rin ako sa entrance, sa pagbabakasakaling makita kong muli ang taong iyon pero wala na talaga. Baka kamukha niya lang iyong pumasok kanina.
Kaya siguro ako nagkakaganito, ay dahil sa...
"Gusto ko na ba siya?" I silently asked myself.
Listen to the whisper of your heart.
Ano nga ba ang ibinubulong ng puso ko?
Tulalang tinitigan ko ang pagkain na nakahain sa harap ko. Iyong pakiramdam na tulala ka dahil iniisip mo siya. A lot of things were running inside my head, sa sobrang dami nila, naging halo-halo na sila sa utak at puso ko. Salitang pusuan na pala itong dumadaloy sa kukote ko. Pero nangingibabaw ang kalungkutan na nararamdaman ko ngayon, nalulungkot ako kasi hindi ko siya kasama. Kahit sabihin pa na lagi niya ako inaasar. Sa ngayon, hinahanap-hanap ko na iyong presensya niya, boses niya, ngiti niya, halakhak niya saka... saka...saka─Ugh! Anong joke na naman ito?!! May taong yumakap sa akin mula sa likod. Nararamdaman ko ang hininga niya sa tenga ko at nakikiliti ako.
OMG!!! This feeling is very familiar to me.
"Narito na ako. 'Wag ka ng sad."