6 ❤️

1719 Words
-HYD- Pagkalipas ng isang buwan magmula nang maganap iyong hindi inaasahang pangyayari sa kalsada ay naging mailap na talaga si Heiley. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na lapitan siya at makahingi ng sorry sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa kaniya. Hindi naman ako masamang tao eh. Kung hindi lang dahil sa kagaguhan na ginawa sa akin ng mga kalaro ko noon, hindi ako magiging ganito kay Heiley. Pero lahat ng iyon ay pinagsisisihan ko na. Tinatapos ko na ang pagiging bully sa kaniya. Ayoko ng dagdagan pa ang kasalanan ko lahat sa kaniya. Sobra-sobra na ang paghihirap niya dahil sa akin. Maraming taon na rin ang nasayang dahil sa walang kuwentang bagay. Wala na akong balak ipagpatuloy pa iyon. Sa isang buwan na lumipas ay maraming nagbago kay Heiley. She became more distant towards every one, maliban kay Jazzfer. Paminsan-minsan ay nag-uusap naman sila, iyon nga lang hindi na katulad ng dati na bawat puntahan ni Ley ay nakabuntot si Jazzfer sa kaniya. She became more silent. She would hang out with the nerds and not so popular students in school. Walang sino man ang nagtangkang i-bully siya dahil na rin sa bagong imahe na pinakita niya. Matapang at palaban na siya ngayon. May na-sample-lan na siya ng pagiging matapang niya nang minsan kalabanin niya ang isa sa mga tinaguriang warfreak girl dito sa Fantastic High. Hindi naman sila nagkasakitan. Matapang lang siyang sumagot sa bawat pang-babara sa kaniya ni Edelyn. Kanina pa ako rito sa harap ng bintana ko. Inaabangan ko ang pag-uwi ni Heiley. Magmula nang makauwi ako galing school ay hindi ko pa nakikita maski dulo ng buhok niya. Saan kaya nagpunta iyon? Sumakit na ang kamay at daliri ko kakasulat dito sa mahiwagang notebook ko pero wala pa rin ang hinihintay ko. Nanggaling na ako kanila Lolo Jaime at Lola Anita para itanong kung umuwi na si Ley kaya lang wala pa rin daw. Sobrang naiinip na ako sa paghihintay sa kaniya. Nag-aalala na rin ako dahil alas-nuebe ng gabi ay hindi ko pa siya nakikita sa kabilang bintana kaya lumabas ulit ako at pinuntahan ang bahay nila para alamin kung umuwi na siya. Close naman ako sa lolo't lola niya at ang alam ng mga ito ay mag-bestfriend kami. Hindi ko naman pansin ang kakaibang pakikitungo nila sa akin. Hindi ako sigurado kung may alam sila sa mga masasamang ginawa ko sa apo nila. Pero kung mayroon man silang alam, 'di sana noon pa ay nagalit na sila sa akin dahil sinaktan ko si Ley. Pero magiliw pa rin naman sila sa akin sa tuwing kausap ko sila. Ngayon ko mas napagtanto lahat ng pagdurusang sinapit ni Ley sa akin. All this time, she remained silent for all of my wrong doings to her. Mas lalo akong naawa sa kaniya. Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan ng bahay nila Ley at nakita ko ang ngiti sa mukha ni Lolo Jaime nang mapagbuksan niya ako ng pinto. "Oh Hyden, ikaw na naman. Pasok ka." "Huwag na, Lo, itatanong ko lang po kung nakauwi na si Ley?" magalang kong tanong. "Hindi pa. Nag-text siya sa Lola niya na gagabihin siya ng uwi. May date kasi sila ng boyfriend niya eh." "B-B-BOYFRIEND???!!!!!" hindi makapaniwalang tanong ko. Nagulat ako sa narinig ko kaya naman hindi ko na napigilan at napataas ang boses ko. Anak ni Tiya Pusit naman oh! Ibig sabihin totoo pala talaga iyong kumakalat na tsismis sa eskwelahan namin? Na may boyfriend na raw siya! "Oo, hindi niya ba na-kwento?" Halatang nanunukso ang tono ni Lolo Jaime. "Who is he, Lolo?" Sino ang hudas na iyon?! Gusto ko malaman kung sino man siya! Lolo Jaime just gaved me a little smile. "Hyden, binata ka na talaga. You and Ley we're bestfriend but at the same time, an enemy. Both of you pretending that you hate each other while you have a burning attraction." Ano daw?! BURNING ATTRACTION?! Paki-translate nga sa tagalog, please? Burning? May nagliliyab ba? May nasusunog? Anong pinagsasabi ni Lolo Jaime? Wala naman siguro siyang power para malaman ang iniisip ko. Nag-aalala lang talaga ako kay Ley. 'Yun lang 'yun. "Attraction?! Duh! No way! Kilabutan nga kayo riyan, Lolo." Tumawa ng malakas si Lolo Jaime. Sa sobrang lakas ay napasugod si Lolo Anita sa amin. "Jaime, anong nangyayari sa'yo?" Napasulyap ako kay Lola Anita na may suot pang apron sa katawan. "Wala, sweetheart. May sinabi kasing joke si Hyden kaya napatawa ako ng sobra. Sige na balik ka na sa kusina. Baka masunog iyong niluluto mo." Nagpipigil si Lolo Jaime sa pagtawa. "Siguraduhin mo lang, Jaime. Kapag inatake ka sa sobrang tawa mo riyan, Nakuuu! Sinasabi ko talaga sa'yong matanda ka." Bumalik na sa kusina si Lola Anita habang ako naman ay nayayamot na dahil ang lakas mang-bully ni Lolo Jaime. "She'll be home later. Don't worry about her." "But it's late, it's almost nine. Hindi po ba kayo nag-aalala sa kaniya? What kind of grandfather are you?" Alam ko na wala akong karapatan sumbatan ang pagiging Lolo niya kay Heiley. Hindi lang ako makapaniwala na sobrang relax at chill lang siya samantalang ang apo niya ay gumagala pa sa lansangan ng ganitong oras. "Ley, been out this late for a month. Bakit sobrang pag-alala naman 'yan, Hyden?" Ang laki ng ngiti ni Lolo Jaime. Parang tumama siya sa hueteng sa reaksyon ng mukha niya. Simula bata ay bini-build up na niya ang love team namin. Feeling ko naman ay botong-boto sila sa akin kasi ang tingin nila sa akin, mabait na nilalang. Well, mabait naman po talaga ako. Iyon nga lang, nagpanggap akong bad boy sa harap ni Ley for straight nine years. Kapag nasa paligid ang pamilya namin, pinapakitaan ko siya ng kabutihan ko. The natural me. Ang devil side ko ay kunyari lang naman. "I-I'm not worried." Yumuko ako upang itago ang emosyon ko. "Ikuwento mo sa daga." Tumawa ng sobrang hyper si Lolo Jaime. "Lolo naman eh, tumigil na nga kayo ng kakatukso." Napakamot na lang ako sa ulo. "Kung hindi ka mapakali, puwede mo siya hintayin dito sa loob ng bahay." "Huwag na, 'Lo. Salamat na lang po. Sige, uwi na po ako." Malungkot akong umalis sa harap ng bahay ni Heiley. Pumasok ako sa kuwarto ko at kinuha ang gitara. Sa labas ko na lang siya hihintayin. Sinimulan kong kalabitin ang gitara at pinatugtog ang paborito kong tagalog cover ni Jp Soliva. "Ahhh. Baby come back. No Choice. Drop it on me. Pero mahal bakit bilis kong magalit. Kahit anong pilit sadyang sobrang pangit ng ugali everyday and night I'm so mean because I'm so real. I'm sorry, but I can't change" "H'wag kang magconcert dito." Napatigil ako sa pagkanta nang marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon. Si Heiley, kararating lang. Pinagmasdan ko ang porma niya. Mula ulo hanggang paa. Boyish na boyish ang hitsura niya. Baseball cap, pink t-shirt na XL yata ang size, kupasing maong, at gray Vans shoes naman sa paa niya. Parang hindi ko mapaniwalaan na nanggaling sa isang date si Heiley dahil sa suot niya. Nilapitan ko siya habang binubuksan niya ang gate nila "Bakit ngayon ka lang dumating?" Hindi ko sinagot ang tanong niya, bagkus mas gusto ko pa siyang pagalitan dahil sa oras ng uwi niya. "Hindi mo ba alam na delikado para sa'yo ang naggagala pa sa ganitong oras? Hindi ka ba nanonood ng balita? Ang daming babaeng napapahamak sa daan ngayon. Gusto mo ba ma-r**e? Wala ka bang relo at hindi mo mino-monitor ang oras mo?" Para akong tatay na nanenermon ng sutil na anak. Napatigil sa pagpasok si Heiley. She looked surprise. Nakanganga siya sa akin at halata sa mukha niya ang pagkagulat. Sino ba naman ang hindi magugulat? Para kaming leon at tigre kung mag-away tapos ngayon, tinalo ko pa si Lolo Jaime kung umasta. Sinapo niya ang noo ko at agad din tinanggal "Hmm mukha ka naman walang sakit." "Kanina pa nag-aalala ang Lolo mo, Ley." Naku, kung malalaman lang niya ang naging pag-uusap namin ni Lolo Jaime kanina, alam kong sobrang magugulat siya dahil ang tinuring niyang kaaway sa mahabang panahon ay may tinatago pa lang malasakit sa kaniya. "You're not Hyden Reyes," sabay pasok sa loob ng bahay nila. -HYD- "Siya na nga kaya ang boyfriend ni Ley?" I whispered. Sadyang inabangan ko talaga siya sa araw na ito at hindi nga ako nagkamali nang makita ko siyang pahangos na lumabas ng bahay nila. Nakaabang lang ako maghapon sa bintana dahil sobrang misteryo sa akin ang pagkakaroon ng diumano'y boyfriend ni Heiley. Hindi nga ako nagkamali nang masundan ko siya sa mini park na malapit lang sa Subdivision. Mukhang may date na naman sila ng lalaki niya ah. Faded black jeans, yellow t-shirt na may imprintang angry bird sa harap, Nike red cap and she's wearing her gray Vans shoe again. Boyish na boyish ang dating at galaw niya pero halata pa rin sa kutis niya ang tinatagong ganda. Ugh! Kung ano-ano na naman ang naiisip ko. Ang misyon ko ngayon ay sundan sila saan man sila magpunta. Maraming tao ang nakatambay ngayon sa parke. Mayroong magtotropa na nagkakantahan, nagsasayawan at nagkukulitan. Mayroon din namang pamilya na masayang nag-bo-bonding sa park. Marami rin ang love team na nagkalat sa paligid. Sweet overload ang bumabalot na aura ngayon sa parke. I saw Heiley run up to a strange guy. Lumapit ako sa kanilang dalawa para marinig ko ang pinag-uusapan nila. Hindi naman ako kita ni Heiley dahil nakatalikod siya sa akin. "I miss you, Honey." Eeeww. Ngayon ko lang nalaman na ang corny ni Heiley. May pa-honey-honey pang nalalaman. "I have something to tell you, Ley." Nasaksihan ko ang paghawak sa kaniyang kamay ng lalaking tinawag niyang Honey. "Is there something wrong, honey?" Tumango lang ang lalaki at inaya siyang umupo sa bench na malapit sa kinatatayuan nila. Umupo na rin ako malapit sa puwesto nila. "Hmmm may gusto ka rin ba sabihin, Heiley?" "You go first, honey." Heiley replied to him. Nakita ko ang paghingang-malalim ng lalaki. Halatang hindi siya masaya sa pagkikita nila ni Ley. "It's us. I don't think it's working out." Nagulat ako sa narinig na rebelasyon ng kausap niya. Akala ko pa naman ay cheesy scene ang makikita ko sa pag-spy ko kay Heiley papunta dito. Mukhang tragic ending pa yata ang masasaksihan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD