EnjoyReading:) NAGISING SI Maika na masakit ang ulo parang hinahati ang ulo niya dahil sa sakit. Umupo siya at nakaramdam ng lamig kaya napatingin siya sa katawan niya at ganon nalang ang gulat niya ng makita kung anong itsura niya. Hubad hubad siya! Nagmamadali siyang takpan ang hubad na katawan gamit ang comforter niya. Malalaki ang matang inalala kung anong nangyari kagabi. Hindi niya matandaan ang alam niya lang ay si Gab ang kasama niya magdamagan. Namanhid ang utak niya ng isipin niyang si Gab ang nakasiping niya kagabi. Hindi niya maalala. Napatingin nalang siya sa maliit na sala sa kwarto niya at napakunot noo ng makita niyang may tray at puno ng pagkain 'yun. Napatingin siya sa orasan malapit sa kama niya at nanlaki ang mga mata niya ng makitang alas dos na ng hapon. May nang

