EnjoyReading:) NAKATINGIN si Maika sa mga bituin habang hinahaplos ni Nicxon ang buhok niya dahil nakaunan siya sa braso nito. Magkayakap silang dalawa habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Nakahiga sila sa loob ng tent pero kita nila ang bituin sa itaas. "Sigurado kabang mahal mo na ako?" Napatingin siya kay Nicxon ng tanungin siya nito. Hindi na nga niya mabilang kung ilang beses na nitong tinanong ang katagang 'yun. "Ayaw mo ba sa ideyang mahal na kita?" May lungkot sa boses niyang tanong kay Nicxon. Hindi niya din alam kung bakit nasabi na niya iyon sa binata. Hindi siya nito kilala, hindi nga niyang gustong magkwento pa dito dahil alam niyang magbabago na talaga ang paningin nito sa kanya. Mas lalandi at walang kwenta na ang tingin nito sa kanya. "Hindi naman sa ganun baby

