EnjoyReading:) NASA canteen sila ng university. Main canteen ito at wala pang masyadong tao tatlo silang magkakasama. Ang ganda talaga nung babae pero syempre mas maganda siya. Kailan ba siya nagpatalo? Paa niya lang ang ganda nito. "Coach may boyfriend ka na ba?" Tanong ni Gab kaya napailing iling nalang siya. Manliligaw daw sa kanya pero may patanong tanong ito sa coach nito. "Wala pa. May hinihintay kasi ako." Sabi nito at namula ang pisngi kaya mas lumutaw ang kagandahan nito kaya napangisi siya. "Sana all may hinihintay." Tumatawang sabi ni Gab kaya kinurot niya ang pisngi nito. "Ouch, love!" Nakabusangot na daing ni Gab kaya pinandilatan niya ito ng mga mata. Nanahimik naman ito at minasahe ang pisngi na kinurot niya. "Ang cute niyo. Bagay na bagay kayo." Nakangiting sabi nung c

