Enjoy Reading:)
“Putang ina mo b***h mang aagaw ka...
Sariling boyfriend ko inaangkin mo na...
Puta ka ano bang kasalanan ko?!
“ Agad sinagot ni Maikaela 'yung tumatawag sa kanya! Ang aga aga ay nagbubulabog ng magandang natutulog!
“What?!” Sigaw niya sa putang inang tumawag sa kanya.
“Where the hell are you?!” Sigaw ng nasa kabilang linya. Takte ah! Ang sakit nu'n sa tenga ah!
Tinignan niya kung sino 'yung tumawag sa kanya! My bestfriend/lil bro! Joshua! Sa totoo lang, hindi naman sila magkapatid. Pero ewan niya ba kung bakit sila naging close ng lalaking 'yan ng hindi maakit akit sa kanya. At hindi nahuhulog sa karismang taglay niya! Kung hindi lang niya crush 'yung muse namin. Hindi niya naman aakalain na lalaki siya!
Oh muse di ba!? College na may pa ganyan pa ang University nila. Queen bee ba naman ng buong University. Sabagay, maganda pero mas at higit na mas maganda siya kaysa sa dito. Matalino, pero may Joshua naman siya para makapasa! Kopya kopya tol! Mabait, pero talagang mas hihigit ang sa kanya sa kagandahan.
“Kagigising ko lang.” bored na sabi niya bago siya nahiga sa kama ulit!
“Hindi mo ba alam kung anong oras na?” Tanong nito sa kanya. Naririnig niya ang ingay, nasa loob na ata ito ng room nila.
Tinignan niya 'yung oras sa maliit niyang alarm clock! Tsk alarm clock hindi naman nakakagising ng mga lasing! Bobo!
Shit!
7:49!
Late na siya. Pero okay lang 'yan makakapasa pa naman siya dahil nandiyan si Josh para sa kanya!
“Oo na, maliligo na.” sabi niya at humiga sa kama.
Ayaw niya pa! Ang sakit pa ng ulo niya dahil sa alak na ininom niya kagabi!
“Maikaela Heart Bernardo! 'Wag ka ng mahiga!” Sigaw nito sa kabilang linya kaya napaupo siya sa kama. Takte! Peste sa buhay niya ang lalaking ito!
“f**k you, JOSH!” galit na sigaw niya bago siya tumayo para maligo. 7:30 ang pasok niya! Dapat mas tanghali dyan ang klase nila kaso si Josh ang may gusto ng 7:30 dahil 'yun ang oras ng klase ni Cassie. 'Yung muse na mas maganda naman siya. At dahil si Josh ang buhay niya pagdating sa pag-aaral ay sinusunod niya!
Naligo na siya ng mga nasa isang oras. Syempre kailangan niyang maging mabango! Makakahanap nanaman siya ng makakaaway mamaya.
Nagbihis siya ng red above the knee dress. Ganito naman talaga ang sinusuot niya. Ayaw niyang uniform ang chaka! Kasing chaka ng mga panot at matatanda na nilang prof!
Wala man lang gwapo sa mga prof sa kanila 'yung pwedeng jowain.
Nag pointed heels din siya mga 4 inches.
Ganito talaga pag pinapantasya ng mga lalaki sa university dapat palaban ang mga datingan.
Napatingin siya sa oras sa phone niya. Napangiti siya.
9:34
Second subject na nila.
Wala naman nagbago, late pa din naman siya kahit humabol pa sa first sub kanina.
Sayang lang effort niya kung nagkataon.
Naglakad na siya palabas ng unit niya. Malapit lang ito sa university nila.
Nag-abang si Maikaela ng taxi para makasakay na nang may tumigil sa harapan na taxi sumakay siya sa likod at relax na umupo du'n.
“Miss Beyutifol saan po kayo?” sabi ng amoy yosing matandang lalaki.
Nakabatak pa ata ng drugs si kuyang salot! Dapat pati ganito pinapakulong na, eh. Sayang naman ang bansang pilipinas dahil sa kanila. Hindi na nga mabilis ang pag asenso, mga wala pang kwenta ang mga iilan na tao.
Nakakasira ng umaga. Lumabas si Maikaela sa taxi, tsk! Baka 'di siya makapagtimpi ay mahampas niya ito ng taxi.
Naglakad na siya at nagbabakasakali na makakahanap din ng taxi ng tuloy tuloy na tumunog 'yung phone niya. May nagtext sa kanya pero hindi na siya nag aksaya ng panahon para basahin at alamin kung sino ang nag text sa kanya.
Yes!
Nang makasakay na siya sa taxi mabilis naman siyang nakarating sa University nila kaya naman nagmamadali na siyang pumasok dahil wala naman siyang pakialam sa nagbabantay na tulog naman.
Pinapasweldo pero 'di naman ginagawa 'yung trabaho niya ng maayos.
Parang siya lang, nag-aaral pero wala naman alam!
Pero may ganda naman. Pambato mga tol!
Naglalakad siya sa hallway papunta sana sa classroom nila. Tahimik ang daan dahil sure siyang may mga kanya kanyang klase ang lahat.
Pero may chaka’ng humarang sa daan niya. Aba, ang kapal ng mukang humarang sa dinadaanan niya. Damit nito, hindi naman pumantay sa damit na suot niya. Matangkad ito at 'yung ang wala si Maikaela. Pero maganda siya alam niya 'yun.
“Nandito ang mang-aagaw.” Nakangising pag aakusa nito sa kanya. Napangisi nalang si Maikaela dahil sa sinabi nito. Aba! Lumalaban!
“At nandito ang kawawang naagawan.” Nakangising pang iinsulto niya dito.
“Aba! At pinagmalaki mo pang puta ka.” Nakangising sabi nito sa kanya.
Oo, mang-aagaw siya ng syota ng may syota. Nanlalandi siya ng may mga girlfriend na. Eh, ano ngayon?
“Naman. Ikaw kasi, dapat ikahiya mo dahil napalitan ka ng much better” namula naman ito dahil sa sinabi niya.
Napangisi nalang si Maikaela.
“Kung hindi ka din naman papalag...
Pwede bang sa daan ko’y tumabi tabi ka?” Ginaya niya pa 'yung tono ng much better!
“b***h!” sigaw nito sa kanya.
“Same too you!” Tumatawang sabi ni Maikaela at nilampasan na ang babae pero bago 'yun, binunggo niya muna ito ng malakas para naman mapaupo siya.
'Masyado siyang nagmamataas sa dapat yukuan.'
Nakakasira ng araw. Hindi naman kayang pumalag. Gusto niya 'yung sasabunutan nalang siya agad agad para magsabunutan silang dalawa. Matira matibay. Hindi 'yung hanggang maaanghang lang na salita.
Nang makatapat sa pinto nilang nakasara na dahil may klase nanga. Hindi siya kumatok at pumasok nalang si Maikaela ng derederetsyo. Nakikita niyang nakangisi sa kanya 'yung ilan na lalaki at 'yung mga babae naman ay nagbubulungan sila.
Hanggang bulong lang 'yang mga 'yan, hindi papalag kahit magsama sama pa silang lahat.
“Ms. Bernardo! You’re late!” sigaw ng prof niyang kulokulobot na.
“Alam ko. Hindi mo na kailangan sabihin. Nakita din nilang lahat.” Pabalang na sabi ni Maikaela.
“Aba’t bastos ka talagang bata ka!” sigaw nito sa kanya. Ngumisi siya at naglakad na papuntang likod.
Sakto namang may bisitang pumunta. Mga kasing edad ng prof nila.
Umupo siya sa tabi ni Josh!
“Ang bastos mo Ela!” naiinis na sabi ni Josh sa kanya.
“Pake?” nakangising tanong niya kay Josh.
“Prof padin natin 'yun. Bibisnugan kita dyan eh! Uminom ka nanaman siguro kagabi sa bar na pinupuntahan mo!” naiinis padin na bulong nito sa kanya.
Tumango nalang siya at yumuko sa upuan niya dahil nahihilo padin talaga siya.
“Tarang Jumbo Hotdog club mamayang gabi! Libre ko lahat.” Masayang sabi ni Josh.
Isip bata talaga ang lalaking ito!
Paiba iba ang mood. Galit tapos magiging malambing tapos magtatampo. Basta halo halong emosyon ang ginagawa.
Napangiti nalang siya dahil kahit ganon si Josh, hindi siya nito hinusgahan at siniraan sa ibang tao. Tinanggap siya nito noong nagkwento siya tunggol sa nagyari sa kanya nung 15 years old palang siya.
Huminga siya ng malamin ng maalala niya nanaman 'yung nangyari sa kanya noon.
“Bakit?” nagtatakang tanong niya kay Josh. Kasi naman, hindi umiinom si Josh ng alak. Kalahating bote lang may tama na siya lalo na paghard.
Naku, sinasabi na niya. may kinalaman nanaman si Cassie dito sa pag-aaya ni Josh sa kanya.
“Sila My loves kasi, hehe! Magbabar sila sa Jumbo Hotdog club!” kinikilig na sabi ni Josh. May patirik tirik pa ng mga mata ang gago!
“Sabi na eh!” bulong niya.
Basta kay Cassie talaga ay gagawin ni Josh ang lahat mapansin lang ng mahal na mahal na babae na mas maganda naman sa siya kung tutuusin.
“Hoy! Nakinig ko 'yun ah! Wala ka naman sinabi, ah! Ikaw ah, baliw ka.” Nakangising sabi ni Josh.
Binatukan niya ng malakas si Josh!
Napabusangot naman ito at nag pout pa talaga sa harap niya ang gago!
Papaawa nanaman.
“ARAY KO AH! Your suntok is masakit!” nakapout na sabi nito.
“Your nguso has been slain!” sabi niya at sinuntok ng medyo malakas yung bunganga ni Josh.
Napahawak si Josh dito at napaka OA ang ginawang pag arte ng gago.
“Hindi nayan uubra sa akin boy! Bagay lang sayo 'yan. 'Di mo naman bagay magpout!” sigaw niya kay Josh. Umalis naman 'yung prof nila, ewan niya kung bakit! Wala naman siyang pakialam sa prof niya kahit 'wag na 'yun bumalik for ever.
“Bakit sayo bagay ba?” hamon ni Josh sa kanya.
Kung hindi lang talaga siya binubulabog ng nakaraan niya. Si Josh ang gugustuhin niyang maging boyfriend. Wala ng tatanggap sa kanya at nagpapasalamat siya dahil tinanggap siya ni Josh. Pero mahal nito si Cassie at ang tangi niya lang naman gawin ay ang suportahan ito.
Masaya siyang maging ate ni Josh. Dalawang taon ang tanda niya dito. Sabay lang silang nag-aral dahil nakapasa si Josh, dahil matalino naman talaga ito kaya parang nagjump na ito sa mas mataas na level ganern katalino si Josh.
Nakangisi siyang nagpout at nagpacute kay Josh.
Tumatawa itong hinatak siya at kinulong 'yung mga pisngi niya sa palad niyo.
“Ang cute mong demonyita!” natatawang sabi nito. Tinabig niya 'yung mga kamay ni Josh.
Ang sakit kaya sa panga.
Tumayo siya sa kinauupuan niya para lumabas, narinig niya pang tinawag siya ni Josh pero 'di na niya nalang pinansin dahil gusto na niyang makalabas ng university. Gusto niyang mag mall at lumandi sa mga gwapong lalaki.
Naglalakad siya sa hallway at may mga asungot nanaman na nakaharang sa daraanan niya.
Taas noo siyang naglakad at sasalubong sa mga asungot.
“Can we talk?” tanong sa kanya ni lover boy. Lalampasan niya na sana kaso hinatak siya nito sa braso niya para mapatingin siya dito.
“Para saan?” nakangising tanong niya dito .
Tumingin naman ito sa mga kaibigan nito na nagkukulit sa kanya araw araw para lang makausap niya si Hans. Ex niya kasi, oppss ex toy. Harot harot. Syempre galing itong agaw.
Oyyy, nagets ng mga kaibigan nito ang titig ni Hans. Umalis kasi ang mga ito. May relasyon ba sila ?! Like men! Bromance.
“Para sa ating dalawa.” Malungkot na sabi nito sa kanya at kinagat pa ang pang ibabang labi nito.
Oh boy! Hindi na uubra 'yan sa kanya. Nagsawa na agad siya. Sayang naman kapugian nito. Balik nalang ito kay Irish. Binabalik na niya ito.
Hindi naman siya nag-enjoy. Hindi man lang siya inaway ni Irish, talagang nag let go ito para daw kay Hans. Tsk, ang sweet sana kaso nakakasuka para kay Maikaela.
“Ano bang meron sa ating dalawa? Who are you in my life?” nakangising tanong niya dito.
Dumaan naman sa mga mata nito ang sakit at pagsisisi sa mga mata ni Hans.
“Iniwan ko si Irish para sayo.” Nanunumbat na sabi nito sa kanya. Natawa naman si Maikaela sa sinabi nito.
“Nagsayang lang ako ng effort para sayo. Hindi mo naman pala deserve ang oras ko.” Natatawang sabi niya dito.
Nakakainsulto 'yun pero ito siya eh, ganito ang isang Maikaela. Tanggapin man nila siya o hindi. Hindi siya magbabago para sa ibang tao.
Tumalikod na siya para umalis dahil ayaw na niyang mag aksaya pa ng oras. Pero nagsalita ito na tumatak nanaman sa sistema ni Maikaela.
“Pinili kita kasi gusto kong malaman kung bakit ganyan ka katigas. Gusto kong malaman lahat sayo kasi nakakabilib ang pagtingin mo sa sarili mo. Pero nagsisi ako, alam mo? Hindi ko sana pinagpalit si Irish para sa babaeng walang ibang inisip kung hindi ang sarili niya lang.” napangiti siya ng mapait dahil sa sinabi ni Hans.
Kasalanan din naman nito dahil natukso ito sa kanya.
'Yan tuloy iniwan niya 'yung totoong nagmamahal sa kanya.
“Kaya nga binabalik na kita. Magsama kayo, parehas kayong patapon.” Maanghang na sabi niya at taas noo padin naglakad papalabas sa University.
Nakita niya naman na bumibili ng fishball si kuyang guard kaya nakatakas siya. Sakto naman sa pagtakbo niya may nabunggo siyang hudas! Nakakainis, masyadong pahalata na gustong dumikit sa sexy na katawan niya.
“What the f**k!”---“The hell!” nagsabay na sigaw nila sa isa’t isa.
Ooooooooohhhhhhhhhhhh!
Ang gwapo ah!
Not bad! Dito kaya ito nag-aaral? Feel kasi niya ay mukang mas matanda lang ito sa kanya ng 2 or 3 years. Ang yummy! Pero galit galit muna, wala munang maaakit. Binunggo nito ang pinakamagandang babae sa buong mundo.
“Grabe, bulag ka ba? Ohhh, baka naman natulala ka sa kagandahan ko kaya nabunggo mo ako.” Nakangising sabi niya dito at piangkrus ang mga braso niya sa dibdib niya.
Ngumisi naman si poging yummy. Tsk, naka white v-neck lang ito at maong pants na medyo fit sa kanya. At feel niya 'yung tangkad niyo ay hmm 6 to 7. Tsaka hanggang dibdib lang siya niyo!!!!Boy! Nakaheels pa si Maikaela!
Tsk ang sarap I describe hmm.
A yummy ang hot man with black messy hair. Ano 'yan bagong gising ang datingan?! With brown eyes, s**t! Mapungay na mapang akit na mga mata. Straight ang proud pointed nose! Ano 'yan parang 'yung heels ko lang pointed!
Ohhhhhhhh!!
A yummy wet kissable red lips. Lumalaban sa pulang lipstick niya!
A perfect man.
And he's mine, napangisi siya dahil sa kalandian niyang taglay.
“Miss, I didn-----“---“I understand you kuya.” Nakangising pagtitigil niya sa sasabihin nito. Aba, syempre wala ng tatapos tapos dapat masabi niya lahat ng gusto niyang sabihin sa poging nilikha ng panginoon.
“How dare----“---“Kung gusto mo ako. Hindi mo na kailangan na bungguin pa ako para lang magpapansin sakin kuya.” Pinigilan nanaman niya itong magsalita.
“The f**k!!!!” naiinis na sabi nito. Namumula na 'yung mga tenga ng lalaki. Ang cute nitong tignan ang sarap! “What are you talking about?” naiinis na tanong nito sa kanya.
Naku, magkakaila pa kasi.
Magsasalita pa sana ito ng may tumawag sa iphone X nito.
Aba yayamanin pala si kuyang pogi. Kuyang yummy.
Masama itong tumingin sa kanya. Ngumisi lang si Maikaela.
“Maikaela nga pala baka kasi magtanong ka pa sa mga schoolmate ko. Kakahiya naman siyo.” Sabi niya at naglakad na papalayo sa gwapong nilalang.
Na wet akess mars!
“This is the worst day I’ve ever had!” narinig niyang sabi nung poging yummy.
Worst kasi nalaman niyang crush siya nito. Harot harot. Pumasok ito sa University nila, oh baka college student din. Aba, tadhana nga naman.
He's mine.
- - - - -
Please READ, VOTE & COMMENT