EnjoyReading? TAHIMIK LANG si Maika habang nasa kwarto niya. Wala siyang ganang gumalaw kaya napakunot noo siya ng tumunog ang doorbell niya kaya kahit tamad na tamad siya ay tumayo siya para pagbuksan 'yun. Hindi na siya pumasok dahil tinatamad siya. Hindi na siya napilit ni Nicxon. Pagbukas niya ng pinto nakita niya ang kuya niya na seryosong nakatingin sa kanya. Pinapasok niya ito pero ramdam niyang hindi maganda ang mood nito. "Maikaela." Banggit sa pangalan niya kaya napatingin siya dito. Sana ay hindi mahalata ang namamaga niyang mata. Umiyak siya kanina sa puntod ng mga magulang nila. "Pwede bang makinig ka sa akin? Lumipat kana ng university, gusto mo ba sa ibang bansa? Susustentohan naman kita kami ni Papa." Sabi nito sa kanya ang tinutukoy nitong papa ay si old man. Malapit si

