EnjoyReading:) TAHIMIK lang siya habang nasa hapagkainan sila ni Nicxon. Pinagluto siya ni Nicxon ng umagahan. Hindi naman siya marunong magluto. Maagang nagising si Nicxon. Hindi niya hinayaan na matulog si Nicxon sa kwarto niya. Hindi na niya hahayaan na mapalapit nanaman siya dito na hayaan niyang saktan siya ni Nicxon. "Baby, naplansya ko na pala 'yung uniform mo. Hindi kita nakitang nang-uuniform," sabi nito pero hindi niya pinansin at kumain nalang. "Maaga ako nagising at nakauwi ako. May available na palang condominium dito sa floor mo. Not sure pa kung sa tapat mo o sa tabi." Sabi nito pero hindi nanaman siya nagsalita. Kagabi lang ay kung ngumawa ito sa kanya parang hindi lalaki. Pinilit niyang hindi ito pansinin kahit salita ito ng salita. "Na-banned na ako sa condo mo. Bab

