Tulad ng sinabi ni Nikki umiwas nga ito sa mga kaibigan lalo na kay Gab. Nag-order lang siya ng pagkain sa cafeteria at umalis na. Hindi tulad nu'ng dati na sabay-sabay silang kakain sa iisang mesa. Narinig pa ng dalaga na tinatawag siya ni Gab pero hindi niya ito nilingon. Tanging si Nikki lang ang kulang sa kanila. "What happened to Nikki? Is she okay?" Tanong ni Sofia habang patuloy na kumakain ang iba. "You guys know what's happening to her?" Tanong din ni gab. "Tanungin mo kaya kung gusto mo nang malaman mo kung ano ang dahilan niya, hindi iyong kami ang tinatanong mo dahil pareho lang tayong walang alam," Ashley said na mukhang naiinis na. "Puro na lang Nikki, wala na ba akong maririnig na ibang pangalan kundi Nikki lang?" Ani nito sa sarili. "Ano ba'ng problema mo ba't ka ba nag

