Lunes na naman at pagkatapos nang dalawang linggong bakasyon, heto at balik sa dati ang lahat, bahay at eskwelahan. Suot ni Nikki ang mga damit na pinagbibili sa kanya ng mga kapatid niya nang pumunta sila kahapon sa mall. Highwaist skinny jeans na tinernuhan ng puffy long sleeves crop top na hapit sa katawan na kapag tinaas niya ang mga kamay ay kita ang kanyang tiyan. Nagsuot lang din siya ng sneakers at bumagay naman ito. Ewan niya kung bakit hindi na yata mapapalitan ng kahit anong sandals ang pagkahilig niya sa mga sapatos. Pagkatapos niyang mag-ayos sa sarili ay bumaba na rin siya dahil naririnig niyang nag-iingay na ang kanyang mga kapatid sa sala. Andito rin ang kanilang mga magulang at himalang hindi yata papasok sa office, dahil nakapambahay lang ang mga ito. "Aba't napakagan

