I felt a man sitting next to me, and I turned around to see that it was just Gab. Ngumiti ito sa akin at ganun din ang ginawa ko. "Kamusta ka na, Nikki?" Tanong nitong may bahid ng lungkot ang boses. "Im okay," Maiksi kong sabi. "Hindi ka okay, alam ko kapag okay ka o hindi." sabi naman ni Gab sa mahinang boses. Tinutuktok pa nito ang mga daliri sa ibabaw ng mesa habang sinasabi iyon. "Alam mo naman pala, nagtanong ka pa." Pagtataray ko sa kanya. Napakamot naman sa ulo si Gab dahil sa sinabi ko. "I'm just concerned about you. Drew and I witnessed how Zach cried because of you at alam kong ganun din ang nangyari sa'yo. I know you love Zach so much na kahit ang magparaya ay ginawa mo. You're such a brave woman, Nikki." Nangingilid ang luha ko dahil sa sinabing iyon ni Gab. I just felt

