NIKKI POV Pagpasok ko sa aming room nakangiti na sa 'kin ang mga kaklase ko na dati halos lahat nakataas ang kilay. Pero syempre hindi kabilang doon si Claire na halos mabanat na ang kilay sa taas ng pagkaangat nito. "Ano na naman kaya ang problema ng taong ito? Ang aga-aga mainit na naman yata ang dugo sa 'kin. Wag lang talaga niya akong umpisahan dahil ang ganda ng araw ko para sirain niya." ani ko sa aking isip. Lumipas lang ang ilang sandali nang dumating na si Mrs. Castro. "Good morning everyone, how's your weekend?" Bungad agad nito. Sabay-sabay naman nagsabi ng "fine" ang mga kaklase ko, pero ako tahimik lang. "Okay class, ngayon naman ang pag-aaralan natin is how to draw a horizontal, vertical, and diagonal line in freehand drawing. And the title of this is line exercises." s

