CHAPTER 49

3128 Words

Kanina lang bukambibig ko si Zach sa aking tulog na anak, pero laking gulat ko nang madatnan ko ito sa sala na s'yang kausap pala ng Yaya ni Zacki. Walang boses na lumabas sa aking bibig dahil sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan na ngayon ko makikita si Zach. Lumapit ito sa akin at masuyong hinaplos ang aking mukha. Pumikit ako nang wala sa oras baka sakaling panaginip lang lahat ng ito. Pakiramdam ko bumalik ang nakaraan, nu'ng panahon na nag aaral pa kami. Matagal kong hinintay ang pagkakataong maranasan ulit ito. Napadilat ako at mukha ni Zach na nakangiti ang bumungad sa akin. Ibig lang sabihin nu'n hindi panaginip ang nangyayari ngayon. Lumayo ako kay Zach, pero hindi ko alam kung saan ako hahagilap ng salita na pwede kong sabihin dahil sa pagkabigla. Bumalik muli ito sa upuan at may

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD