Nagbihis na all ng damit pagkatapos nang nangyari sa amin ni Zach, ngayon ko naramdaman ang sobrang kahihiyan kay Zach lalo na sa aking sarili. Hindi ko alam kung masaya ba ako dahil kay Zach ko naibigay ang matagal kong iniingatang dangal o malulungkot dahil pagkatapos ng lahat ng ito ay babalik na ulit sa dati ang lahat- ang lalayo at ipapaubaya s'ya sa taong karapat-dapat sa kanya- 'yun ay ang kanyang magiging mag-ina. Napabuntong hininga ako sa isiping nagpaubaya ako at ipinagkaloob kay Zach ang aking sarili kahit alam kong hindi dapat. Nagpadala ako sa tukso at hindi man lang pinigilan ang sarili bagkus hinayaan ko pa na angkinin ni Zach ang buong pagkatao ko. Tumulo ang luha ko at pinahid ko ito nang lihim. Hindi iyon napansin ni Zach dahil tulad ko busy din ito sa pag-aayos sa sar

