" Bakit? Bakit ka sumuko? " tanong ng pulis kay Chrisanto, isa sa tauhan ni Rowena na nagsisilbi sa kanya. " Pumayag ako sa utos niya na patayin si Miss Montiano dahil sa pangangailangan, sir, " nakayuko niyang sagot sa pulis. " May malubhang sakit ang aking anak at kailangan na kailangan ko po ng pera para sa pagpapagamot sa kanya. Kung hindi ako makakakuha ng sapat na halaga ay hindi maooperahan ang anak ko na nasa hospital ngayon, " dagdag pa niya. " Pero dahil sumablay po kami sa pagpatay sa kanya, hindi niya po kami binayaran at ang sabi niya ay dapat mapatay na muna namin si Miss Montiano bago namin makuha ang perang ipinangako niya, " pagpapatuloy niyang pagkwekwento. Umangat ang ulo ni Chrisanto, " Hindi po kami pumayag sa gusto ni Ma'am Rowena dahil nakonsensya po kami per

