Limang taon na ang nakakalipas, naging maayos na ang buhay ng pamilya ni Alhea at Xander. Matapos ang mga pinagdaanan nilang lahat na pagsubok, mas tumibay pa ang kanilang relasyon, ngayong may tatlo na silang anak, si Julio, Angelo, at ang bunso na si Cedie. "Nakahanda na ba ang lahat, Alhea?" tanong ni Xander nang dumating siya mula sa Buenaventura. "Maayos na, Xander. May ilang oras pa tayo para makapag-ayos ng sarili," nakangiting sagot ni Alhea habang tinitignan ang mga nag-aayos ng mga lamesa at mga palamuti sa bulwagan kung saan magaganap ng isang kasiyahan. Ngayon ang ika-limang kaarawan ni Cedie, kaya naging abala si Alhea sa pag-aayos ng lahat ng dapat ayusin. Hinawakan ni Xander ang kamay ni Alhea kaya napatingin siya sa kanyang asawa. "Kumusta ang Buenaventura? Mukh
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


