"Yan ang bagay sayo! Gago! Manloloko ng asawa!" Saka tinalikuran ni Lorena ang koreano. Napayuko ito sa lakas ng kanyang pagkakasuntok. Hindi pa man siya nakakalayo ay hinigit siya pabalik nito. Sa tangkad ng lalaki ay sumubsob siya sa matigas nitong dibdib. Naamoy na ang tila mamahalin nitong pabango. "What have you done?" Seryoso ang tono ng boses nito. Dahan-dahan siyang tumingala upang tingnan ito. May dugo ito sa labi at tila pumutok iyon. "Yan ang bagay sayo! You deserve that! You are such a playboy! You have a wife but you're kissing any woman in the street! Bagay sayo yan! Pwede ba bitawan mo ako!" Hindi siya nakaramdam ng takot. Pilit siyang nagpumiglas. "I'm not supposed to kiss you. But the woman that I hired to act as my mistress left." Naalala niya ang babaeng sumasakay s

