"Rejected?" nagtatakang wika ni Mark ng makita ang Application Form ni Yaya.
"Kailangan may gawin ako " aniya habang kinukuha ang bag na naiwan ni Yaya.
"Oh kanino iyan?" tanong ni Louis ng makita ang bag na hawak ni Mark.
"Naiwan ng babae kanina." tugon niya bigla namang dumating si Masu hawak hawak ang bola.
"Louis ang tagal mo naman." hingal na hingal na dumating si Masu.
"Nagbihis pa kasi ako." ani Louis.
"Paano Mark aalis na kami punta ka na lang sa basketball court kong gusto mong manood ng game namin." ani Masu at umalis na silang dalawa.
Dumiretso si Mark sa Locker Room para magbihis inilagay niya ang gamit ni Yaya sa kaniyang Locker pagkatapos ay nagpunta siya sa office ni Coach Von.
"Come in." saad ni Coach Von ng marinig na may kumatok.
"Coach Von." ani Mark.
"Oh Mark bakit nandito ka may kailangan ka ba?" tanong ni Coach Von.
"May itatanong lang sana ako. Sino ang Coach ng Music Department?" ani Mark.
"Si Coach Yzah, iyong nakaupo roon." saad ni Coach Von at itinuro ang babaeng nakaupo malapit sa pader.
"Sige Coach Thank you." ani Mark at lumapit kay Coach Yzah.
"Hello Coach Yzah." bati ni Mark at napalingon naman si Coach Yzah sa kaniya.
"Oh Mark may kailangan ka ba?" tanong ni Coach Yzah.
"Gusto ko lang po tanungin kung bakit rejected ang Application ni Urassaya Sper?" ani Mark habang nakatitig kay Coach Yzah.
"Ah iyon ba scholar si Urassaya sa school na ito pero hindi kasama ang Training Fee sa scholarship niya kaya hindi niya kayang bayaran iyon." ani Coach Yzah at sumandal sa kaniyang swivel chair.
"Paano kapag may magsusupport sakaniya?" tanong ni Mark.
"Pwede naman as long as willing siya bayaran lahat ng Training Fee ni Urassaya." ani Coach Yzah at napakunot ang noo kay Mark.
"Susuportahan mo ba siya?" tanong niya.
Inilabas ni Mark ang Blue Card niya na naglalaman ng 500, 000.
"Use it for Urassaya's Needs." saad ni Mark at inilapag sa mesa ang kaniyang Blue Card.
"May namamagitan ba sa inyong dalawa bakit sasagutin mo ang mga kailangan niya." nagtatakang tanong ni Coach Yzah.
"It doesn't matter Coach Yzah. I hope hindi mo ito sasabihin sa kaniya." ani Mark.
"Okay don't worry I will use this card for Urassaya's needs." ani Coach Yzah.
"Thank you Coach Yzah. Excuse me." nakangiting wika ni Mark at nag paalam na rin kay Coach Von.
Huminga ng malalim si Mark at nagpalit ng sports wear pagkatapos ay dumiretso siya sa basketball para panoorin ang laro nila Masu at Louis.
"Ipasa mo sa akin." sigaw ni Masu kay Jemver na hawak ang bola. Ngunit ng maipasa ni Jemver ay nasalo ito ni Zhyan at tumalon sakto namang pumasok ito sa Ring.
"Yes panalo tayo." ani Zhyan at nakipag apir kay Jericho.
Bakas sa mukha nila Masu at Louis ang pagkadismaya ng matalo sila. Lumapit sila kay Mark na nakatayo sa gilid ng basketball court.
"Nakakainis natalo tayo." hindi maipinta ang mukha ni Masu habang pinupunasan ang kaniyang pawis.
"Napakayabang ng Zhyan na iyon." inis na wika ni Louis.
Natatawa naman si Mark sa dalawa.
"Kulang lang kayo sa practice." ani Mark at binigyan ng bottled water ang dalawa.
"Zhyan hindi ba si God of Water iyon?" tanong Jericho at napalingon naman si Zhyan sa gawi nila Masu at Louis.
"Balita ko bukod sa swimming ay magaling din siya sa basketball." saad ni Elvin habang nagpupunas ng pawis.
"Let's see." ani Zhyan at naglakad patungo sakanila Mark.
"Mark Prin?" seryosong wika ni Zhyan habang hawak ang bola.
Napahinto sa pag uusap ang tatlo at lumapit naman si Mark sakaniya.
"Ako nga." walang emosyong wika ni Mark.
"Balita ko ikaw ang God of Water ng Campus na ito if you don't mind pwede ba tayong maglaro." saad ni Zhyan sa kaniya.
"I'm rude if I refuse you." sarkastikong wika ni Mark.
Nag umpisa ng pumwesto silang dalawa sa gitna.
"Ang lakas ng loob niyang ayain si Mark tignan lang natin." pagmamalaki ni Masu.
"Wala pang limang minuto tapos agad ang laban na ito." nakangising wika ni Louis at nag apir silang dalawa.
Inihagis na ni Jericho ang bola pataas agad namang itong nasalo ni Mark. Pilit mang agawin ni Zhyan ang bola kay Mark habang nagdidribble ngunit hindi niya ito makuha. Ilang beses nakascore si Mark. 10 - 5 ang kanilang score. Napaupo na si Zhyan sa sahig habang tumutulo ang kaniyang pawis.
"Better luck next time." ani Mark at dire diretsong naglakad patungo kila Louis at Masu.
"Napakagaling mo talaga Mark." saad ni Masu habang iniaabot ang bottled water.
"Tara kumain na tayo treat ko." saad ni Mark habang nauna na sa paglalakad.
"Matatalo mo ako sa laro pero hindi ako papatalo sa'yo pagdating kay Yaya." ani Zhyan habang nakatingin kay Mark.
Sa kabilang dako hingal na hingal si Yaya ng makarating siya sa Dorm isinara niya agad ang pinto at nagtungo sa banyo.
"Nakakahiya." naiinis na wika ni Yaya habang nakatingin sa salamin.
"Ano na ngayon ang mukhang maihaharap ko kay Mark."ani Yaya at tinakpan ang kaniyang mukha.
Huminga siya ng malalim at nagbihis na dahil basang basa ang kaniyang damit. Nang makalabas na siya sa banyo sakto naman ay dumating na si Bua at Nychaa.
"Oh Yaya nandito ka na pala nauna ka pa sa amin." saad ni Bua habang inilalapag ang kaniyang gamit sa mesa.
"Sayang hindi natin napanood ang laro nila Zhyan at Mark." nanghihinayang na wika ni Nychaa.
"Zhyan?" nagsalubong ang kilay ni Yaya ng marinig ang pangalang Zhyan.
"Oo niyaya ni Zhyan na maglaro sila ni Mark at natalo si Zhyan." natatawang wika ni Bua.
"Kamusta nga pala ang swimming lesson mo?" ani Bua habang inaalis ang kaniyang sapatos.
"Ahh mabuti naman." pagsisinungaling niya ayaw niyang sabihin ang nangyari kanina baka asarin lang siya ng dalawa.
"Bakit parang namumutla ka?" ani Nychaa at idinikit niya ang palad sa noo ni Yaya.
"Mainit ka Yaya." saad ni Nychaa.
"Okay lang ako wala ito." ani Yaya.
"Mas mabuting magpahinga ka na lang." saad ni Bua.
Agad namang umakyat si Yaya sa kaniyang kama at ipinikit ang kaniyang mga mata ngunit hindi siya makatulog kaya naisipan niyang magpost sa Yuzhen Moments.
"Unexpected things happened." ang nakasulat sa post niya.
Huminga siya ng malalim at inilagay sa dibdib ang kaniyang cellphone. Ilang minuto lang ang makalipas ay tumunog ang kaniyang cellphone agad niya itong binuksan at nabasa ang message ni Poseidon.
"Are you okay?" tanong nito sa kaniya.
"I'm okay." reply ni Yaya sa message ni Poseidon.
"Mabuti naman, nabasa ko kasi ang post mo." ani Poseidon.
"Ang totoo niyan nareject ako sa Music Department." tugon niya.
"Huwag ka ng malungkot malay mo bukas may magandang mangyayari." ani Poseidon.
"Oo nga noh bakit ang gaan gaan ng loob ko sa'yo by the way tama ka last time may libreng ticket kami." nakangiti si Yaya habang nagrereply kay Poseidon.
"See, kaya huwag kang negative mag isip." reply ni Poseidon.
"Sige na matulog ka na may pasok ka pa bukas." ani Poseidon.
"Ikaw din, Good night." reply ni Yaya at itinago na ang cellphone sa ilalim ng unan.
Nakatitig siya sa kisame at malalim ang iniisip.
"Ano kayang itsura mo?" ngumiti si Yaya dahil iniimagine niya kung ano ang itsura ni Poseidon.
Samantala nakahiga si Mark sa kaniyang kama at nakatitig sa kisame.
"I wish I can hug you." ani Mark sa kaniyang isip.
------
Kinaumagahan ay masama ang pakiramdam ni Yaya ngunit pinilit niyang pumasok.
"Okay ka lang ba talaga?" nag aalalang wika ni Bua.
"Oo okay lang sipon lang ito." ani Yaya.
Samantala bumukas ang pinto at pumasok si Nychaa dala dala ang bag ni Yaya.
"Yaya bag mo ito diba?" tanong ni Nychaa.
"Oo naiwan ko iyan kahapon." saad ni Yaya at naalala ang pagtakbo niya kahapon.
"Naiwan sa labas ng pinto siguro iniwan ng nakapulot." ani Nychaa.
Kinuha ni Yaya ang kaniyang bag at kumpleto naman ang kaniyang gamit maliban sa sticky note na nakadikit.
"May swimming lesson tayo mamaya 10:00 am!"
"Siguradong si Mark ang nakapulot nito." napakagat labi si Yaya ng mabasa ang sulat.
"Yaya sabay tayo maglunch mamaya ha." ani Bua.
"Kayo na muna may swimming lesson pa ako mamaya eh." pagtanggi ni Yaya.
"Huh pero may lagnat ka." ani Bua.
"Wala ito." pagsasawalang bahala niya.
"Sigurado ka ha." ani Bua. Sabay sabay silang lumabas ng dorm ngunit umiikot ang panangin ni Yaya.
"Excuse me!" saad ng babae.
"Yes?" saad ni Nychaa sa nakasalubong na babae.
"Hinahanap kasi namin Si Urassaya Sper hinahanap siya ni Coach Yzah." ani Noem.
"Ako si Urassaya." saad ni Yaya.
"May klase ka ba ngayon gusto ka kausapin ni Coach Yzah." tanong niya.
"Wala naman sige sasama ako. Bua, Nychaa kita na lang tayo mamaya." ani Yaya at tango na lang ang isinagot nilang dalawa.
Habang naglalakad si Yaya hindi niya maiwasang mapailing iling dahil nahihilo siya. Hinawakan niya ang kaniyang noo ngunit hindi niya maramdaman na mainit siya. Ilang minuto lang ay nakarating na siya sa Coach Office.
Samantala papunta si Mark sa Coach Office para kausapin si Coach Von ngunit nakita niyang papasok si Yaya kaya nagtago siya sa gilid. Napangiti siya dahil natanggap na si Yaya sa Music Department.
"Coach Yzah nandito na po si Urassaya." saad ni Noem.
"Sige pwede ka ng umalis." saad ni Coach Yzah na agad namang sinunod ni Noem.
"Good morning po Coach Yzah bakit niyo po ako pinatawag?" tanong ni Yaya.
"Pwede ka ng sumama sa Music Department." masayang wika niya.
"Talaga po! pero paano po yung training fee." ani Yaya.
"Don't worry libre na ang training fee mo." ani Coach Yzah.
"Do your best!" nakangiting wika ni Coach Yzah.
"Pwede ka ng pumunta sa klase mo." saad ni Coach Yzah.
"Thank you po Coach Yzah." nakangiting wika ni Yaya ngunit habang naglalakad siya palabas ng office ay napahawak siya sa pader.
Doon unti unting umikot ang paningin niya. Inaasahan niyang babagsak siya sa sahig nagtataka siya dahil hindi siya bumagsak sa sahig. Unti unting lumabo ang paningin ni Yaya ngunit naaninag niya ang isang lalaki at doon tuluyan ng nawalan na siya ng malay.