*Ami's POV* Tahimik lang ako habang nakatanaw sa mga nadadaanang building namin ni Achilles. Nakasakay ako ngayon sa sasakyan niya kasama siya pero mula ng halikan niya ako sa opisina niya ay hindi na kami nag-usap dalawa. "Pakipark na lang diyan sa may harap ng building' turo ko sa building kung saan nakatira si Isabelle. Tatawagan ko na lang siya para ibaba dito si Athena at hindi ko na gusto pang umakyat doon. Masyadong maraming nangyari ngayong araw. Walang imik naman si Achilles pero sinunod pa din niya ako at pinark ang sasakyan sa harap ng building. Kinuha ko naman ang cellphone sa dala kong bag at dinial ang number ni Isabelle. Ilang ring pa bago siya sumagot sa akin. "Hello, belle. Pakibaba na dito si Athena nandito na kami" yun lang ang sinabi ko at ibinaba ko na ang cell

