*Ami's POV* Para pa rin akong nakalutang sa ulap pagkatapos ng proposal ni Achilles. Masaya ako kasi para bang...Ay ewan. Hindi ko maexplain kung ano ba dapat ang maramdaman basta ang alam ko sobrang mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko at higit pa sa kaya kong ibigay sa sarili ko. Parang whirlwind kumbaga. Inaayos na din namin ang tungkol sa kasal naming dalawa. Ayos na ang ang sa listahan ng entourage naming dalawa. Maid of honor : Abigayle Meredith Sebastian Best Man: Tristan Ganymede Montevera Flower Girl: Maria Athena Chandria S. Montevera Ilan lang yan sa mga nakalagay sa invitation namin. Naka-finalize naman na pati na din yung susuotin ng entourage. Sa simbahan kung saan kami unang kinasal, magpapakasal ni Achi. Gusto sana niya sa iba pero mas ginusto ko na din doon

