Hiraya's POV: Napakabilis ng lahat ng nangyari. Mula sa kasal, sa reception, maging ang flight namin, at ang pagdating dito sa Luxury Group of Islands. Nasa teritoryo kami ng mga Heat pero pwede kami maglibot hanggang sa isla ng mga Nataraj, Koten, at Caruso. Magkakatabi ang isla nilang pamilya. Ibang klase talaga. Sobrang yaman ng pamilyang napasukan ko. Wala naman akong pakialam sa yaman nila dahil hindi ako gold digger, goal digger ako. Nakakawow lang talaga ang kanilang circle of family. Hindi ko lubos akalaing may ganito kayamang tao na ngayon ay kilala ako. Akala ko dati ay iyong manager na namin ng bangko ang may kayang nilalang na nakilala ko. Kahit masungit iyon ay nakapag papicture na kami nila Susan. Muli kong pinaglaruan ang mga bulang nasa ibabaw ko. Kulay pink ang mga bulan

