Hiraya's POV: Nang magising ako ay sobrang sakit ng aking katawan. Grabe, gabi na at kakagising ko pa lamang. Dapat ay lalabas ako para bumili ng supplies ni Annella pero heto at tumba ako kanina! Lintek talaga itong si Mission! Akala niya ba ay bati na kami? Neknek niya, 3 months din dapat akong magpapasuyo! Sobrang nag-alala ako sa kaniya kaya hindi ako magiging sobrang marupok. Baka akala niya eh papalampasin ko na ang pagtakas niyang walang paalam-paalam sa akin. Nagsabi nga naman siya iyon nga lang nandoon na nga sa aasikasuhin nila. Talagang hindi na sila rin nag-uwian. Ang iinit din ng ulo nila Mama Yolly at ng mga tita ni Mission. Hindi ko nga alam kung anong trip nila. Pero sabi nga ni Tita Galaxy, gusto ng mga iyon na magpamiss kaya hindi na nagpakita pa ng personal. Baka rin d

