Mission's POV: Nanlaki ang mata ko nang may marinig kaming natrigger na bomba. Nagsunod-sunod ang blink na tunog no'n sa paligid hanggang sa mas lalong bumilis. Bigla akong kinabahan at nanlaki ang mata. Parang nawindang ang sistema ko. s**t, masama ito! "Takbo!" kabadong sigaw ko. Tumakbo kami palabas ng pabrika pero bigla namang pumasok si Tito Johnson na may hawak-hawak na mga tinanggal na wire. Gulo-gulo pa iyon at halata mong medyo sira na. Nang tumigil din ang blink na tunog ay wala namang sumabog. Kabadong-kabado na ako roon. Hindi pa nga nagbibirthday ang anak ko mamamatay na agad ako. Kaya siguro nawala si Tito Johnson. Magpapayabangan na naman mamaya silang tatlo. May maipag mamayabang naman. "Para kayong mga tanga," natatawang sabi ni Tito Johnson. Napangisi naman ako.

