#HGDChapter58 Officially mine "MAMSH, wala ka pang balak lumafang? Anong oras na aba! Bangon-bangon din! Kanina ka pa nagmamaktol dito, anong petsa na, iyong jowa mo naihatid na't lahat ang mga bagets nakabalik na nandito ka pa rin—" Bumalikwas ako nang bangon at nakitang halos alas-diyes na pala nang umaga. "Nasaan na ang mokong na 'yon?" "Nasa office niya sa baba. Tawagin daw siya pag bumaba ka na, mukhang good mood si Koya pasipol-sipol pa. Kayo ah, anong ginawa ninyo?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Beauty. "H-huh? Wala kaming ginagawa 'wag kang malisyosa!" bato ko sa kanya ng unan ramdam ang pamumula nang magkabilang pisngi. "Ay ba't ganyan ang reaksyon mo mamshie, joke lang!" tumatawang saad ni Beauty na hinampas pa pabalik sa akin ang unan. "Nahahalata ka masyado! Halik

