#HGDChapter54 Closure "Nay gising na!" Masakit ang ulo na idinilat ko ang mga mata ko. "Mattie, huwag kang tumalon," paos ang boses kong saad sa kanya dahil bawat langitngit ng kama ay siyang pagpintig ng ugat sa ulo ko. Agad na naupo si Mattie at hinipo ang ulo ko, "May sakit ka Nay?" Humikab ako at umiling. Niyakap ko siya at hinila pahiga. "Wala, inaantok lang ang Nanay," "Paano! Hindi ka umuwi kagabi, nag-date ba kayo ng Tatay, Nay? Ba't umaalis kayo tas hindi ninyo kami sinasama ni Maddie? Others na ba kami ni Ambal huh, Nay? Ang daya naman--" tinakpan ko ng kamay ko ang matinis na boses ni Mattie. Natatawa sa mala-armalite niyang boses. "N---umppp!" Tinanggal ko rin ang kamay ko makalipas ang ilang segundong natigil sa paggalaw ang bibig ng anak ko. "Child abuse ka Nanay!

